CHAPTER 33

175 3 13
                                    

CHAPTER 33

"Ano?! After all these years bakit bumalik pa yung lalaking 'yon?!" Medyo napalakas na sigaw ni Maybelle nang sabihin ko sakanya ang nangyare kanina.

"Ridiculous, right?" Seryoso kong sinabi habang nakatulala sa TV.

"Are you serious?" Tanong nya.

Pagkagaling ko kila Direct Kalen ay dumiretsyo ako dito kila Maybelle at inaya sya uminom, nagulat pa nga sya at gabing-gabi na eh andito pa ako.

Muli kong nilagok ang bote ng red house at dismayadong tumango sakanya. "Yup, he's back, dito daw kase sa pinas gaganapin birthday celebration ni Ma'am Amanda."

"Eh... Wait, eh ano naman, right? Kung andito sya? No biggie! You're not the same Vanessa who used to be obsessed with him, you're a star now! He ain't capable to play with your feelings like what he did before!" Dumampot din sya ng bote red horse at nilagok 'yon.

Kahit noong estudyante palang kami dati ni Maybelle pag malungkot kami, red horse lang iniinom naming or anything na nakasanayan na naming inumin before, nag-iiba lang kung sa mga formal na party kami dadalo where we are obviously taking expensive wine, exquisite cocktails, and so on.

"I know." Matamlay akong tumango. "And you know what? He's still the same jerk I've met five years ago, wala syang pinagbago! Gago parin sya!"

Maybelle suspiciously looked at me.

"Why?" I asked.

"Bakit parang stress na stress ka?"

"Who wouldn't?" I shrugged.

My system suddenly felt so heavy. It feels disturbing because he's not just a random jerk who passed by with me on the street.

He's Dillan Jones Ramirez...

My freaking Ex, or should I consider him as ex or not? Certainly, I was just a random person or random rebound girl, a distraction, nothing else, just like that! I was never been important to him. Ginamit nya lang ako to forget about Lily pero nung bumalik sya, binasura nya lang ako! Para lang akong isang laruan naluma na iniwan nya sa basurahan.

I exhaled heavily as I took another intense sip.

"He's the worst man alive Maybelle. Nang makita ko uli sya kanina ang naalala ko lang... Galit, pagkamuhi, sakit. Pero pagmamahal? Wala, nabura na lahat, yung sakit sa dibdib ko ang kusang bumura non."

Inagaw nya ng bote na hawak ko. "May shooting kapa bukas, wag ka masyado magpakalasing."

Huminga ako nang malalim at matamlay na sumandal sa sofa, tumingala ako at pinagmasdan ang kisame. "Naalala ko dati... Pag titingala ako sa kisame, ang nakikita ko... mga litrato nya at lumang yero kung saan gawa ang bubong namin noon. At kahit matagal ng nagiba ang dati naming bahay tila naalala ko parin ang lahat."

"Alin? Your old house o mga litrato ni Dillan?"

"Both." Mabilis kong sagot.

"The fact that you also remember how miserable you are back then."

I smiled bitterly. "Nagsalita ang hindi miserable."

Bahagya syang tumawa. "But not anymore, dapat nga pasalamat pa ako ka'y Mave eh, kase kung hindi dahil sa itlog nya edi sana wala akong cute na cute na anak ngayon, si Stanley ang isa sa mga naging dahilan kung bakit ako nagsumikap nang sobra."

"Anong itlog?" Binato ko sya ng pillow. "Etiquette Maybelle, professional na tao kana ngayon noh, bunganga mo."

"Pinapasaya lang kita! Baka mamaya mabaliw ka nanaman kakaisip sa actor na 'yon!"

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon