Chapter 21
"Here bebé, Come!" Sigaw ni Dillan nang matanaw nya ako mula sa malayo, kasalukuyan syang nasa gitna ng pool nang makarating ako.
Tumitig lang ako sakanya at ngumiti ng bahagya. Nang sumilay ang magandang ngiti sa labi nya ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, habang papalapit ako ng papalapit sakanya ay naghahari ang kaba saakin.
Kung sakali bang may namamagitan talaga sakanila ni Lily... Aaminin nya kaya saakin o masisinungaling sya? Paano kung sila nga talaga? Paano kung niloloko nya lang ako? Ayokong mag-isip ng masama tungkol sakanya pero hindi ko lang kase maiwasan kase alam ko sa sarili ko na ang isang babaeng tulad ko... Madaling palitan, madali lang paglaruan, isa sa dahilan kung takot na takot ako.
Ilang beses ko sinabi sa sarili ko na kung masaktan man ako sa piling ni Dillan... Ayos lang, pero sana... hangga't maaari sana ay huwag nya akong saktan.
Saktan na ako ng lahat, huwag lang sya.
"D-Dillan," Tawag ko sakanya. Mas lalo akong nalapit doon kaya't alam kung luminaw ang imahe ko sa paningin nya.
Ang kaninang ngiti nya ay napalitan nang mantinding pagkalito.
"Hey? Are you okay?" Kunot noong tanong nya at mabilis naglakad at umahon sa pool. Hindi ako gumalaw hanggang sa makarating sya sa harapan ko.
"Something's wrong bebé?" Sabi nya habang papalapit saakin.
Imbis na sumagot ako ay pinagmasdan ko sya. Ang mga mata nya, puno nang pagtataka, at pag-alala. Niloloko lang ba nya ako? Kase kung niloloko nya ako bakit ganito ang ekspresyon ng muka nya?
Mantinding saya ang namalagi saakin.
"Di-Dillan... Naalala mo ba nung araw na sinama ako ni Wren sa golf nyo? N-Nung sinubukan natin yung sasakyan ni Wren?" Nanginginig kong tanong sakanya. Hindi ako umiiyak pero nababakas ang mantinding kaba at lungkot sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko 'yon.
"Y-Yeah... What about it?" Pinagmasdan nya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Something's bothering you? You seemed tense."
"D-Diba may tumawag sayo noon? Lily yung nakalagay?"
Walang pag-aalinlangan syang tumango.
Bahagyang umawang ang labi ko. "Kaninong number 'yon Dillan? Si Lily ba 'yon na... Pumunta dito nung nakaraan? Yung make up artist?"
Natahimik sya. "Yes..." Pagkatapos ay dahan-dahang syang tumango.
Parang biglang nanikip ang dibdib ko.
"D-Dillan," Nag-init ang mata ko. "K-Kung si Lily 'yon, e-eh... Ano ako sa buhay mo?"
Nanlaki ang mata nya. "What? Of course, You are my girlfriend, what made you question that?"
"E, kung girlfriend mo ako, ano si Lily? Girlfriend mo rin?" Hindi tumutulo ang luha ko, nangingilid lang. Ayaw kumawala.
Magkahalong gulat at lito ang namuo sakanyang muka. "She's just a normal person I knew. Seriously bebé, Tell me what's going on? You're making me nervous."
Naguguluhan akong tumitig sakanya. "K-Kase kung... Kung hindi mo sya girlfriend, bakit mo sya tinawag na 'sweetie' noon? Bakit sinabihan mo sya ng 'I miss you' at balak mo pang puntahan sya sa bahay nya?" Huminto saglit dahil parang nahirapan akong magsalita.
Tumulo ng luha ko. "P-Parang sabik na sabik ka pa ngang makita sya eh! G-Gulong-gulo ako Dillan! Kung hindi mo sya girlfriend eh bakit ganon? Parang mag-asawa pa nga kayo nung... T-tumawag ka. Naging kayo ba pero hiwalay na kayo? K-Kung ganon... Pakiramdam ko hindi kapa nakakamove-on sakanya... D-Dillan... Kabit mo lang ba ak--"
![](https://img.wattpad.com/cover/243945329-288-k572653.jpg)
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...