CHAPTER 41

206 4 23
                                        

CHAPTER 41

"Iwan nyo muna ako... Gusto kong mapag-isa." Walang emosyon kong sinabi kila Jade at Roni pagkapasok namin sa unit ko.

They didn't respond right away, and I could tell they weren't comfortable leaving me alone.

"Wag kayong mag-alala, ayos lang ako, magpahinga narin kayo..." I force myself to smile despite my heart's severe pain.

"Wala kabang gustong ipagawa o ipabili saamin?" Nag-aalalang tanong ni Jade.

"Ibapabili?" Walang emosyon kong tanong.

"Oo, kahit ano, magsabi kalang, kahit gaano kalayo bibilhin namin ni Roni para sayo." Saba'y harap nya ka'y Roni, sunod-sunod naman na tumango si Roni bilang pagsang-ayon.

"Meron pero... Mahirap hanapin eh,"

"Ano ba 'yon, Vanessa?" Tanong ni Jade.

Matamlay akong umupo sa couch at hinarap sila. "May alam ba kayong mabibilhan ng... Salamangka?" Seryosong tanong ko.

Saglit silang nagkatinginan.

"Salamangka?" Naguguluhang tanong ni Roni. "Like power, ganon?"

Kunwari akong tumawa. "O kaya... Magic capsule? Yung tipong pag ininom ko... Wala na akong maaalala ganon, o kaya mamamanhid nalang ako hahaha..." Pagkatapos ay mapait akong humalakhak.

Napansin ko at imbis na tumawa sila sa joke ko ay mas lalo lang nalungkot at ekspresyon ng muka nila.

"Vanessa..." Puna saakin ni Jade.

"O kaya naman? Yung ano... Ano tawag doon? Yung mga witch? O kaya kahit anong may kapangyarihan? Yung tipong isang tutok lang nila saakin nung stick nila... Boom! Wala na! Wala ka ng sakit na mararadaman? As in clear na? May kilala kayong ganon?"

Tumawa ako at nagpatuloy. "Hahaha alam kong wala kayong kilala pero baka sakali lang naman eh! Kase desperada lang ako." Unti-unti akong nalulungkot pero pinipilit ko parin ngumiti sa harap nilang dalawa.

"Kase... Gusto ko nang mawala 'to." Saba'y turo sa dibdib ko. "Yung sakit na andito? G-Gusto ko talagang mawala eh..."

I sniffed. "Sa hospital... W-Wala naman silang available na gamot doon para sa mga broken eh... Ang kaya lang nila gamutin yung sakit sa katawan, pero yung sa puso deep inside hindi nila kaya..."

Napakagat ako ng labi nang unti-unti nanamang magbadya ang luha ko. Galit akong tumakbo papalapit sa lamesa at isa-isa ibinato ano mang nakapatong doon. I started to turn my heart's excessive anger and pain here like there's no tomorrow

"Kasalanan nyo 'to! Kasalanan nya!" Sigaw ko.

Sinubukan akong patigilin ni Jade at Roni pero hindi rin sila nagtagumpay, I look at them studiously where they can clearly see how painful I am feeling right now through my eyes.

"K-Kase ako, sakit ko 'yon eh, 5 years ko ng sakit 'yon, hanggang ngayon ayaw nyang humilom! Hanggang ngayon, andito parin! Andito parin! Andito parin!" Paulit-ulit kong sigaw saba'y malakas na pagtusok ko sa bandang dibdib ko.

Mabilis na lumapit saakin si Jade at niyakap ako nang mahigpit. She held me, but I refrained myself from crying aloud, maintained an almost emotionless expression, and didn't give her a hug back.

Ngunit medyo kumalma ako sa ginawa nya.

"Ang mas nakakainis... P-Parang hindi na sya gagaling... Alam nyo kung bakit? Kase yung lalaking 'yon?! Si Dillan?"

Huminga ako nang malalim. "Sya yung nanakit saakin kaya tinaboy ko sya! Nilayuan ko sya at iniwan ko sya! P-Pero pag mawala naman sya... N-Nasasaktan parin ako! Pag wala sya gustong-gusto ko sya makita, gusto ko sya mayakap, makasama! Parang... M-May kulang lagi sa puso ko at sya lang yung makakaalis... Alam nyo ba kung gaano kahirap 'yon?"

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon