CHAPTER 31
"Ba't ngayon kalang nagparamdam?" Tanong ko ka'y Maybelle pagkapasok ko sa kanila.
Nahimigan ko ang kaba nang lumingon saakin si Maybelle. "Pasensya na Vanessa, kung di ko nasasagot tawag mo, sadyang ayoko lang kase munang ipaalam sayo ang lahat."
Andito ako ngayon sa bahay ni Maybelle, kanina habang nasa kwarto ako ay bigla syang tumawag at nakiusap na puntahan ko sya sa bahay nila.
Kasalukuyang kumakain ngayon si Maybelle ng tanghalian nya nang maabutan ko sya. Naupo ako sa harap upuan nya sa harap at ipinatong ang bag ko sa lamesa.
"Nagugutom kaba?" Tanong nya pagka-upo ko.
Umiling ako.
"Bakit di ka pumapasok?" Diretsyo kong tanong.
Hindi sya nagsalita, sa halip ay malungkot lang syang tumingin sa pagkain nya.
"May problema kaba?" Tanong ko uli.
Pero isang malungkot na sulyap lang ang sinagot nya na para bang ang hirap sakanyang sagutin ang tanong ko.
"N-Nitong mga nakaraang araw, sobrang kailangan ko ng kasama at makakausap pero wala ka, at alam ko ang hirap pag dinadala mo lang ang problema nang mag-isa, kaya kung problema ka, sabihin mo saakin,"
Pinagmasdan ko sya at para kong tinitignan ang sarili ko sa salamin. Halatang hindi sya nakakatulog nang maayos, sobrang stress ng itsura nya at halos wala rin naman syang kinakain sa tanghalin nya. Tila ba pinagdadaanan nya rin ang hirap ng pinagdadaanan ko.
"Hindi na ko papasok." Sabi nya.
"Bakit?"
"Nag dropped out na ako."
Nanlaki ang mata ko. "Ano?!"
Malungkot syang umiling. "Wala na Vanessa, miserable na ako, wala na lahat, nasira ko na lahat."
Hinawakan ko ang balikat nya at bahagya itong hinimas. "Maybelle, ano bang nangyayare sayo? May pinagdadaanan ka ba? Sabihin mo nga saakin."
"Vanessa, buntis ako."
Napatakip ako ng bibig. "B-Buntis ka?"
Tumango sya.
"Sino ang ama?" Nanlaki ang mata ko. "Si Clarence ba?"
Malungkot nya akong nilingon.
"Kaya ba hindi ka mahiwa-hiwalay sa Clarence na 'yon kase sya ang ama?!"
"Vaness—"
"At bakit ganyan ang itsura mo ngayon? Bakit napaka miserable mo at wala manlang sya dito? Akala ko pa naman mabait na tao 'yon, kaya nga sya ang mas gusto ko sya para sayo kaysa kay Maverick tapos ganyan pala sya?!"
"Vanessa, hindi si Clarence ang ama."
"Oh bakit— Teka, a-ano?"
"Si Maverick, sya ang ama ng dinadala ko." Tumulo ang luha nya.
"S-Si Maverick?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"A-Alam kong malulungkot sa nangyare kaya hindi kita maharap eh,"
"Paanong nangyareng sya ang ama edi ba may girlfriend 'yon? T-Tyaka hindi ka naman nya pinapansin kahit gusto mo sya diba? Paanong sya ang ama, naguguluhan ako!"
"Eto ang bunga ng sobra-sobra kong pagmamahal sakanya Vanessa, hindi ko rin naman 'to inaasahan eh."
Malungkot ko syang pinagmasdan. "Oh, tapos ano? Ganon na lang 'yon? Bakit wala sya dito?"

BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...