CHAPTER 23
"Vanessa?" Mula ka'y Dillan ay nabaling ang tingin ko ka'y Gina.
"Bakit?" Ibinaba ko ang juice na iniinom ko at humarap sakanya.
Nilapit nya ang muka nya sa'kin at halos pabulong na nagsalita. "It's actually... Uh... Quite strange but can I request to...Uhm..." Tumingin sya saglit ka'y Delilah na nakangisi habang pinapanood sila Dillan sa pag-aagawan ng bola sa malayo.
Hindi ko na tinuon pa ang atensyon ko don, dahil sa pananalita ni Gina mukang nahihirapan syang sabihin kung ano ba hihilingin nya. Sana naman hindi nakakakaba 'to!
"A-Ano?"
Kinagat nya ang ibabang labi nya at tumingin sa'kin. "Can I borrow your dress?" Saba'y turo nya sa dress ko.
Sumilay ako sa dress ko bago muling tumingin sakanya. "Bakit?"
"I just want to try it on... So... You know I can give my... Review about the dress?"
Nagsalubong ang kilay ko, parang matabang ang sinabi nyang 'yon?
"You know that dress is one of the popular obviously, so y-you know I'm model too, right?"
Tumango ako.
"Ahh... I just want to--Ugh! Okay fine aamin na ako... Can I borrow your dress and take a picture of it? Just a quick promise, I'll just post an update for my Instagram. Can I?"
Napaatras ng kaunti ang muka ko sa gulat. "Bakit naman? Ayaw mo ba yung dress mo?"
Hindi ko alam kung ba't nya pa 'to gustong hiramin, dahil ba sa mamahalin 'to? Sa totoo lang, itong binili ni Dillan saguradong babagay sa'min pareho kase parehas kami nang kulay ng balat nitong si Gina, ang pinagka-iba nga lang, yung sakanya parang pina-tan, yung tipong humiga sa sun lounger at nagbabad sa araw? Sa'kin kase parang libag lang eh.
"No, I like it, but I like yours more."
Hindi ako sumagot at tumitig lang sa suot nya.
"You like my dress?" Biglang tanong nya kaya napalingon ako sa muka nya.
Ngumiti ako at tumango. "O-Oo maganda."
Nanlaki ang mata nya at masayang timingin sakin. "Really? Do you want to switch? Give me your dress and you can have mine." Suggestion nya.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling, lumingon ako sa pwesto nila Dillan saglit. "W-Wag na Gina, gusto ko yung dress mo pero mas gusto ko 'to, isa pa regalo to sakin ni Dillan eh, baka kase magalit sya..."
Napawi ang ngiti nya.
"P-Pero kung gusto mong hiramin, okay lang naman sakin. Kahit ilang oras pa. Pasensya na Gina." Yumuko ako.
Sa totoo lang, sa tuwing may natatanggihan o may hindi ako napagbibigyang tao parang ang laking kasalanan ng ginawa ko? Kahit wala naman akong ginagawang masama, pakiramdam ko sobrang sama ko at ang damot damot ko.
"It's okay dear, still appreciated, so... Can I..." Saba'y turo nya sa dress ko.
Maagap akong tumango-tango. "S-Sige! Sige, san kaba magpapalit?"
Nahimigan ko ang pagkasabik ni Gina habang nakasuot ako sakanya sa C.R kung saan daw kami magpapalit ng damit. Pagkapalit namin ng damit ay lumabas na ako para bumalik saan ko pinapanood sila Dillan kanina.
Tinawagan naman sa cellphone ni Gina si Delilah kanina para papuntahin doon at picturan daw sya, kaya hinayaan ko nalang silang dalawa don.
Naglalakad ako papunta sa pwesto ko kanina nang makita kong nag-uusap na sila Dillan sa malayo at hindi na muna naglalaro, pero mukang hindi pa sila tapos, nag-uusap lang.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...