CHAPTER 1
"Napaka tamad mo talaga Vanessa, lagi nalang sumasakit ulo ko sayo, tignan mo yung pinsan mo, matalino, masipag ikaw puro ka upo.."
Napayuko lang ako habang pinakikinggan ang mga sermon saakin ni mama. Siguro nasanay nalang rin ako dahil palagi namang ganito. Wala silang ginawa kundi ikumpara sa ako iba.
Sinusubukan ko naman ang best ko sa lahat ng bagay pero hindi ko lang talaga kayang tumbasan ang kakayahan ng iba. Pero ang sakit sa parte ko na sila pa mismo ang nagsasabi saakin ng mga ganito, imbis na sila dapat ang nagpapalakas sa damdamin ko para i-improve ang sarili ko.
Pagkatapos ng mahabang sermonan na iyon ay nagtungo na ako sa aking kwarto.
Tinungo ko ang bag ko at muling sinilip ang test paper ng exam namin kanina. 46/100 lang ang puntos ko, nag review naman ako pero sobrang hirap talaga ng exam. Hindi naman nila kailangang sabihin na nadidisappoint sila saakin... dahil maski ako, disappointed ako sa sarili ko.
Muli kong inilagay ang test paper ko sa bag ko at tinungo ang salamin.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko ay lalo lang akong nalungkot. Mula sa Kayumanggi at magalas kong balat, sira sirang buhok, sa mga tigyawat na nagkalat sa aking muka hanggang sa mga labi kong tuyot.
Hindi na nga ako maganda, hindi pa ako matalino. Ano ba talagang role ko sa mundong ito? Buong buhay ko pakiramdam ko lahat ng tao ay higit saakin, lahat ng tao mas mataas saakin, kailan kaya dadating yung araw na mabago ang kapalaran ko? Kailan ko kaya pwedeng ipagmalaki ang sarili ko?
Hindi ko alam kung darating paba ang panahong iyon, na ipagmamalaki ko ang sarili ko, dahil buong buhay ko, pakiramdam ko wala akong nagawang tama. Maraming pagkakataon na iyak na lang ako nang iyak dito sa maliit kong kwarto dahil sa sakit ng mga sinasabi ng mga tao saakin. Lalo na ng mga kaklase kong mayayaman.
Isa lang akong simpleng babae na nag aaral sa isang pribadong paaralan dito sa manila, nakapasok ako sa school ng mga mas matataas saakin dahil pinahintulutan ako ni Mayor ocampo dahil naging malapit ito sa magulang ko. Pero kahit na nasa manila na ako hindi ko parin sya magawang makita.
Bago pa man ako tuluyang kainin ng kalungkutan ay napangiti ako nang mapatingin ako sa gilid ng kwarto ko kung saan nakadikit ang nakangiting muka ni Dillan.
Punong-puno kase ng muka ni Dillan itong maliit kong kwarto.
Isa syang modelo na alam kong pinapangarap ng karamihan at isa na ako doon, lagi kong sinusubuybayan ang IG nya at madalas din akong manood ng mga runway fashion shows nila pati sa mga commercials nya at print lahat lahat yon tinitignan ko!
Tila sa isang iglap lang ay nabago ang pakiramdam ko, dahil bigla akong sumaya.
Sayang lamang at nag aaral pa ako. Pero kung may gagawa lang ako ay nais ko syang makita. Unang beses ko palang makita ang litrato nya noon sa isang mall ay tila nabighani na nya ang puso ko.
Noong una hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero nabago 'yon dahil sakanya. Sabaga'y, sino ba naman ako para hindi humanga sa katulad nya?

BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...