CHAPTER 17
Harapan palang ng lugar na ito ay halata mo nang high-end botique nga ito. Kulay dark brown at white ang kulay ng harap, sa glassdoor palang mula sa labas ay kitang-kita na napakagandang loob nito, white ang buong lugar pero nagkulay itong gold dahil sa lighting. Pangmayaman ang amoy, at magagandang chandelier, namangha rin ako sa mga nahalerang mamahaling heels na nakalagay sa white glass na patungan. At may mga artwork at antiques din, pero karamihan dito mga mannequin.
Pagkapasok palang namin sa loob ay may sumalubong na saaming Sales assistant. May iilang mga tao rin dito ngayon, at karamihan sakanila halatang mayayaman sa pananamit palang, halos may sari-sarili rin silang sales assistant.
"Oh my god." Umawang ang bibig ng saleslady na sumalubong saamin ng bumalandra sa harap nya si Dillan. "Can I we take a picture? Or kahit autograph?" Kinikilig na tanong nya.
"Maybe later, before I go." Sagot ni Dillan.
Kinagat nung saleslady ang labi nya at tumango-tango. Napasimangot ako sa paraan ng pagtingin nya ka'y Dillan.
May lumapit saamin na isang babae. Palagay ko ay kasing edad sya ni Ate angel, nakasuot sya ng black high waisted pants at white blouse, with heels at nakabun ang buhok. Ngumiti sya saamin, yung ngiting formal.
"Oh! Welcome to House of Neleanour sir Dillan? Do you need a little help?" Formal na bati nya saamin.
"Where's Auntie Nelly?" Tanong ni Dillan.
"She left a couple of hours ago, would you like to discuss anything with her? I'll let her know."
"No thanks, we're here to shop anyway."
Tumango-tango yung babae. "Alright, what clothes are you looking for? I'll lead you both--"
"Thanks, but I have my personal stylist here." Humarap sya saakin, lumingon saakin yung babae at nginitian ako, gumanti ako ng ngiti sakanya at bahagyang iniyuko ang ulo ko.
"Let's go vanessa."
"O-Okay." Mabilis kong agap.
Nagumpisang maglakad si Dillan. Sumunod ako sakanya. Habang naglalakad kami huminto sya saglit ay hinintay akong makasabay nya. Medyo nailang ako sa ginawa nya.
Inilapit nya ang muka saakin at bumulong. "Told you, it's harmless."
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. "Yung babae kanina halos lundagin ka na ng halik."
Nakabusangot na sagot ko.
Napahinto ako, mariing pumikit. Bakit ko sinabi yon! Natural sikat sya kaya natural na natural lang yan!
"Relax."
Kinagat ko ang labi ko dahil nangingiti nanaman ako. Sinimulan kong tumingin-tingin doon dahil sobrang init na ng pisngi ako.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...