CHAPTER 3
"Ano bayan?! Anong oras na?! Alas 3:00 na hiyaw ka pa ng hiyaw dyan! Isa pa ha!? Pag ako nabangon dito sinasabi ko sayo!" Hiyaw ni mama mula sa kabilang kwarto.
Tanging manipis na Dingding lang ang humaharang sa mga kwarto namin kung kaya't madaling maririnig ang mga sinasabi at hinihiyaw ko. Mula kase kaninang pag-uwi at pagkahiga ko ay wala na akong ginawa kundi humiyaw ng humiyaw sa kilig! Napagod na rin ang katawan ko kakagulong sa luma kong kama. Para akong mababaliw!
Tumikhim ako sa inayos ang sarili ko. Mukang galit na galit na si mama kaya't kailangan ko na talagang tumigil.
Pinagmasdan ko ang mga litrato ni Dillan na nagkalat sa kwarto ko.
"Goodnight Baby Dillan! I love you! I love you! I love you! Muah!" Pakikipag usap ko sa mga litrato nya at pinaulanan ng halik ang mga iyon, pagkatapos ay inayos na ang sarili ko sa pagtulog.
Ipinikit ko ang mata ko at pinilit ang sarili na matulog habang may ngiti sa mga labi.
"Oh my god! Ang swerte mo naman! Anong itsura ni Dillan? Gwapo ba? Kwento na dali!" Sabi nya habang inaalog alog pa ako.
Napakagat ako ng labi. "Oo, sobra! Alam mo yung tipong... sobrang gwapo na nya sa picture, mas gwapo pa sya sa personal! Ang ganda ng balat nya, maputi at mamula mula, makinis sya, ang ganda ng labi nya, nang ilong nya, at ang hinding hindi ko makakalimutan, yung mata nya, alam mo yung tipong? Sigudo lang! Segundo lang ha? Na nagtama yung mata namin pero yung, ano eh! Hindi ko sya maexplain, sobrang kakaiba yung feeling... Feeling ko nasa langit ako."
Lumayo ako sakanya ng bahagya at napatingin sa kawalan.
Muli akong napangiti at marahang pumikit. "Sobrang nakakainlove sya kung alam mo lang! Matangkad din sya at maganda ang hubog ng katawan..." Huminga ako ng malalim. "Pakiramdam ko lumilipad ako ng mga panahong iyon." Kwento ko habang nakatitig sa kung saan.
Bigla namang natawa si maybelle sa ikinilos ko. "Baliw na baliw ka nga kay Dillan. Lumilipad kana nga, napunta kapa sa langit." Bungisngis nya.
Siniko ko sya. "Sino ba namang hindi mababaliw sa isang tulad nya? Parang nasa kanya na ata ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae eh.." Pangangatuwiran ko.
"May point ka.." Aniya.
Tumango ako, pagkatapos ay napatingin muli sa Classroom na papasukan ko. "Sige mamaya nalang ulit! Marami pa akong ikukwento sayo mamaya! Jusko! May mas matindi pang nangyare bukod don!" Masigla kong sabi.
Tumango naman sya at ngumiti din. "Aabangan ko yan.." At tumawa pagkatapos ay naglakad na papalayo.
"Good morning Bubbles! My name is Kristine Villamar. As you can see? Hindi makakapasok si Mr. Gonzalez nyo for month dahil nanganak ang Misis nya, and he need to take care of his wife so ako muna ang papalit." Anunsyo ng isang babaeng mukang 30 years below kase mukang bata pa sya.
Pakiramdam ko, sya ata ang magiging bagong teacher namin for months or weeks? Kase 42 days na pahinga iyon diba? Tyaka balita ko sa America ata nanganak yung Misis ni Sir.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...