CHAPTER 9

338 13 10
                                        

CHAPTER 9

"Ayusin ko lang yung Clubs ko, ginulo ata ni Vanessa eh. Parang tanga kase nagwawala loob parang hinahabol ng aso haha." Sabi ni Wren at tinawanan ako.


Tanging kunot ng noo lang ang isinukli kong kasagutan sakanya.


Nagsimulang maglakad si Wren patungo sa kotse at binuhat ang Golf bag nya. Nakita kong may laman iyong set nang pamalo na sandok. Napatitig ako saglit sa mga iyon, 14 palang pamalo ang dala nila? Akala ko dati isang pamalong sandok lang ang gamit ng mga golf player.


"2-man scramble." Ani Wren. "I'll make sure to take a best shots all along bro so step back." Pagyayabang ni Wren at itinutok pa sa muka ni Dillan yung pamalo nya.


Inilihis ni Dillan iyon gamit ang kanang kamay nya. "You can't even beat my tee shots, what do you mean? Sky aren't blue?" Pang-uuyam ni Dillan at tinapik ang balikat ni Wren.


"Yabang.."


Lumipat ang tingin ni Dillan sa Sandok na pamalo nya at umaktong itinutok sa hangin iyon. "Let's do 300 or 500, we better hit some bombed and uh.." Iginaya nya iyon at mabilis na iniugoy sa hangin. "..putts." Patuloy nya nang maipalo nya ito.


"Panget ng stroke mo."


Lukot na lukot ang muka ko habang nakatingin sakanilang dalawa.


Ano bayan, wala naman akong maintindihan! Para saan yon? Tyaka anong stroke? Ang alam ko lang na stroke eh yung sakit na di makagalaw.


Palitan lipat lang uli ang tingin ko sakanilang dalawa habang nakangiti silang pinag-uusapan ang magiging plano sa laro nila.


"Vanessa are you going to play too?" Biglang baling saakin ni Dillan.


Halos mapalundag ang puso ko nang bigla akong punain ni Dillan, dahil sa gulat hindi ako nakasagot kaagad.


"H-Hindi, manonood lang." Sabi ko ngumiti at ngumiti sakanya.


Tumango-tango sya. "It's obvious, jeans aren't appropriate for Golf anyway." Sabi nya at itinuro ang suot ko.


Nahihiya lang akong ngumiti sakanya dahil pakiramdam ko parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.


Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi nya bago tumango saakin. Napatitig ako sa muka nya, hindi ko maialis ang mga mata ko sa perpektong imahe nya. Halos magkapeho sila nang suot ni Wren. Collared shirt, shots with fair of shoes and cap. Golf player na golf player ang itsura nila dalawa.


Ang gwapo nya talaga. Napakaswerte ng kung sino mang babaeng magugustuhan nya.


Sandali akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang isiping magkakagusto si Dillan sa isang babae, magkakagirlfriend sya o magkakaanak sa ibang babae. Iniisip ko palang iyon parang gusto nang magwala ng puso ko sa sakit.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon