CHAPTER 27

238 3 14
                                    

CHAPTER 27

"Dillan, balita ko may party daw dito mamaya... Totoo ba?" Pasimple kong tinignan si Dillan pagkatapos ay muling bumalik ang tingin sa karagatan, mula kase dito sa lounge ay tanaw na tanaw ang dagat.

Maaga pa, at mga isang oras narin mula nang umalis si Wren. Walang ginawa kanina si Dillan kundi tanungin kung ano daw ba yung nangyare saakin pero hindi ko na din sinabi dahil ayokong abalahin pa sya sa mga problema ko.

"A party... Indeed." Sagot nya. "Social Gathering..." Dagdag nya.

Tumango ako.

"Are you sure Vanessa?" Nagulat ako sa seryosong tanong nya.

"H-Ha?"

Mula sa malayo ay nilipat nya ang tingin saakin, nasalubong ko ang seryoso nyang tingin kaya kinabahan ako.

"Aren't you gonna tell me what's going on with you?"

Natahimik ako. Yumuko ako at hindi nakapag salita kaagad. Bigla akong kinabahan kase kakaiba ang tono ng pananalita nya, hindi yung tono na malambing o palabiro na madalas ko marinig sakanya.

"Na-miss lang kita..." Nakayuko parin ako.

Malalim ang paghinga kong hinintay ang sasabihin nya dahil hindi sya sumagot, pero ramdam ko ang pagtitig nya saakin.

"I want you to know that I'm not... Insensitive."

Mabilis akong napaharap sakanya. "A-Alam ko naman 'yon. Kanina kase gusto lang kitang puntahan sa Casa de amor, pinag bawalan mo naman ako pumunta doon... Ano naman ang magagawa ko? Gusto kita makita pero hindi ko alam kung paano." Paliwanag ko.

Humarap ako at nakipagpaligsahan ng pagtitig sakanya, hindi mabakbak ang seryoso nyang mga mata sa kabila ng sinabi ko.

"Hindi kaba naniniwala saakin?"

Umiwas sya ng tingin. "No doubt with that. If you're missing me."

Mula sa pagkakasandal sa upuan ay umayos sya ng upo.

"Come here..." Sabi nya at tinapik ang kandungan nya.

Napahigpit ang hawak ng mga kamay ko sa binti ko. Pero kalaunan ay sinunod ko nalang sya. Tumayo ako at lumapit sakanya pero huminto akong nakatayo sa harapan nya.

Umangat sya ng tingin saakin. "Here..." Tinapik nya ang kandugan nya.

Matamis akong ngiti ay sinunod sya. Mabilis akong umupo sa kandungan nya at pagkaupong-pagkaupo ko palang doon at pinalupot na nya ang mga braso sa baywang ko. Napangiti ako.

"Bebé..." Malambing nyang tawag nya saakin at mas lalong humigpit ang yakap sa baywang ko. "I'm just worried. I feel so useless not being around with you in a tight circumstances."

Nang tumingin sya saakin ay doon ko napansin ang labis na pag-aalala sa magaganda nyang mata.

Inangat ko ang braso ko at inilagay yon sa balikat nya. Ngayon mas malapit na kami sa isa't-isa.

"W-Wala namang masamang nangyare saakin Dillan, siguro sanay lang ako na lagi kitang kasama kaya nung hindi kita napuntahan... Naiyak ako."

Inangat nya ang kamay at hinimas ang pisngi ako. Halos mabaliw nanaman ako sa lambing na hinahatid ng mga daliri nyang humahaplos sa pisngi ko na tila bawat galaw non ay may gustong iparating saakin.

Nung una akala ko ay ipagpapatuloy nya yon pero nagulat nalang ako nang ipadausdos nya ang kamay sa batok ko at hinila nya yon para mahalikan ako sa labi.

Pumikit ako at mas hinigpitan ang paghagkan sa batok nya. Tinagilad nya ang ulo nya para mas mahalikan ako nang maayos.

Saglit nyang pinakawalan ang labi ko. "I miss you too..." Bulong nya at muli akong hinalikan.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon