CHAPTER 11

293 7 7
                                        

CHAPTER 11

Mabilis akong kumaway kay Ate angel nang matanaw ko sya sa malayo na nakaupo sa isang fast food restaurant. Agad kong tinakbo ang daan palapit sakanya nang makita kong kumaway din sya pabalik saakin. Glass wall 'yon kung kaya't kitang kita ko sya. Andito ako ngayon sa pinakamalapit na Mall dito sa school.


Kagabi, bigla nalang kase syang tumawag at sinabing pupunta sya dito dahil may maganda syang ibabalita saakin. At pabor na pabor naman ako do'n dahil puro kamalasan ang nangyayare saakin nitong mga nakaraang araw.


Katulad nalang kahapon. Akala ko si Dillan na talaga yung nag-follow saakin eh Dummy account lang pala 'yon! Or fanmade account? Ewan ko basta Account lang 'yon pang-suporta kay Dillan.


Sabaga'y umasa kase ako eh ang nag follow saakin @dillanjramirez01, eh @dillanjramirez lang yung username ni Dillan bukod doon ay hindi rin naman verified yung account nang-follow saakin.


"Come with me. The photoshoot will be start soon." Sabi ni Ate angel at hinawakan ang braso ko. Akala ko dito lang kami mag-uusap.


Ang lalim pala ng iniisip ko kanina kaya't hindi ko namalayang nakalapit na pala sya saakin. Ngayon mabilis na kaming nag-lalakad pareho papalayo.


"May photoshoot tayong pupuntahan?" Nakangiting tanong ko.


"Yup." Sagot nya. "And this will be the start of seriousness Vanessa. You need to act like a 'Real' assistant now, 'Assistant' not like a crumbs from a rich people's table.." Nilakasan pa nya yung boses nya para sabihin yung assistant at inirapan ako saglit. Anong table ba 'yon?


Mabilis kaming sumakay ni Ate angel sa sasakyan nya nang makalapit kami doon at pareho kaming nasa backseat. Pinagkrus nya ang binti nya at kinuha ang Cellphone sa bag nya.


Hindi ko na inusisa pa si Ate angel nang makasakay kami dahil abala sya sa pagpindot sa Cellphone nya. Napatitig ako sakanya, saan naman kaya kami pupunta?


Natahimik ako at tumingin sa malayo.


Dati sa tuwing nakikita ko si Ate angel sobrang laki ng ngiti sa muka ko, medyo kinakabahan din, pero ngayon... Alam kong iba na... Hindi na ako andito lang para kay Dillan. Kung hindi, para magseryoso na. Siguro maayos din 'to para malibang ako at maging abala.


Nabanggit saakin ni Wren dati na mabilis lang din'g aalis si Dillan sa Pilipinas pagkatapos ng isang project na pinirmahan nya.


"Ate..." Seryosong tawag ko ka'y Ate angel.


Nasa Cellphone parin ang mata nya pero napansin kong tinaas nya sandali ang kilay nya kaya alam kong narinig nya ako.


Nagpatuloy ako.


"Sorry sa mga nangyare dati... Palagi kitang pinapahiya, tapos puro katangahan ginagawa ko." Huminto ako saglit. "Promise, magseseryoso na ako at... Hindi ko na hahanapin si Dillan. Mag tatrabaho nalang ako para sayo hindi para ka'y Dillan."

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon