CHAPTER 18
Napapikit ako ng maramdaman ang kamay ni Dillan na humahaplos sa buhok ko. Nandito parin kami ngayon sa guest room at napagdesisyunan naming manood ng TV. Kanina pagkabukas ng TV hiniling nyang umunan ako sa mga hita nya, nahihiya pa nga ako nung una pero pumayag rin ako.
At ngayon, hindi mawala-wala ang ngiti sa muka ko. Napakasaya ko, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang nangyayare 'to. Ito na ata ang pinakamasayang nangyare sa buhay ko ngayon.
Kung panaginip ko, mas gugustuhin ko nalang matulog habang buhay.
"Are you done checking me out, Vanessa?" Natatawang sabi nya habang nakatuon parin ang mga mata sa TV. Hindi ko maituon nag atensyon ko TV, paano ba naman kase eh soccer ang pinapanood nya. Anong alam ko don?
Ngumiti lang ako at tinakpan saglit ang bibig ko. "Dillan?"
"Hm?"
Kinagat ko ang labi ko. "Ang pogi mo hehe." Dinampot ko ang isang malambot na unan at niyakap ko iyon. Bumaba ang tingin saakin ni Dillan at halos kumislap ang maputi nyang ngipin nang ngumiti sya.
Nagulat ako nang pinanggigilan nya ang pisngi ko. "Thanks, silly." Pagkatapos ay ibinaling muli ang atensyon sa TV.
Saglit akong bumaling sa TV pero tumingala din ako ka'y Dillan kaagad, parang hindi ko kayang alisin ang tingin ko sakanya, parang gusto kong kabisaduhin ang bawat sulok ng muka nya.
"Ano ba tayo Dillan? Stylist at Client parin?"
Ngumisi sya. "We cuddled, do you think stylist and client would normally cuddle?"
"Pwede. Edi client with benefits." Malawak ang ngumiti.
Kumunot ang noo nya. "What kind of benefits?"
"Edi..." Huminto ako saglit at nag-isip. Napanguso ako. "... Yung benefits, diba sa friends with benefits parang... Friends sila pero nag--"
"So I'm just a 'Client with benefits' for you?" Pinagkrus nya ang mga braso nya at sinimangutan ako.
Saglit akong tumawa. "Hindi ah!" At paulit-ulit akong umiling.
"What's so funny?"
"Eh yung muka mo kase eh an-"
"My face looked funny?" Nagsalubong ang kilay nya.
"Hindi!"
"Bye. You broke my heart." Pagsabihang pagkasabi nya non ay mabilis syang tumayo at akmang aalis pero pinigilan ko ang braso nya.
Nataranta ako. "Dillan! Hindi! Kung ako lang papipiliin gusto na kitang makasama habang buhay!" Napalunok ako pagkatapos kong sabihin lang ng iyon.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomansVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...