CHAPTER 6
Nung papaupo na ako sa tabi nya ay biglang bumaba ang tingin nya sa suot ko, tumaas ang kilay nya nang makita yon at umiwas ng tingin. Nalukot ang muka ko. Hindi nya ata nagustuhan ang suot ko? Nalungkot ako bigla.
Halos lahat naman sila nakatingin saakin. Nang makaupo ako doon ay para akong tukong umunat dahil hindi ako makagalaw.
"Vanessa sit properly." Utos ni Ate angel at pinandilatan ako ng mata.
Awkward akong ngumuti sakanila at umayos ng upo. Nang makaupo ako ay halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba.
Katabi ko si Dillan!
Mula dito at amoy na amoy ko ang pabango nya. Nakakaadik naman 'yon. Tumingin tingin ako kunwari sa paligid para di nya mahalata yung pagpipigil ko ng kilig.
"Uy Matcha cake? Nice!"
Napalingon kaming lahat nang magsalita ang taong kararating lang. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Wren yon kasama ang isang babae at lalaking mga nasa 50s na, napansin kong limitado lang ang mga bata dito. Halos puro matatanda ang nandito, yung itsura nitong party ay parang prom pero pang matanda.
Napatingin ako sa kanya nang marealize na ako pala yung tinatanong nya. Tinignan ko sya ng matalim. "I-Ikaw nanaman!" Sabi ko.
"O-O-Oo." Sabi nya at ginaya kung paano ako mautal. "Lagi kang nauutal noh? Chill okay? Di ako nangangain, pero pwede ri--"
"Wren Damson." Napahinto sya nang pinuna sya ni Direct Kalen. Agad naman syang napatahimik at umupo doon.
Napangisi ako. Buti nga sakanya. Matcha cake kapa ah.
Pero teka? Bakit andito tong lalaki nito? Bakit dito sya uupo sa table nila Dillan?
Nag-umpisang mag-usap usap sila Ate angel, yung mga nakaupo dito. Wala naman akong maintindihan, puro about business lang naman tas pinag-uusapan nila kung nasaang industry daw sila, kung kamusta daw ang career nila, mga interest at bigayan daw nang mahahalagang impormasyon para kung dadating ang panahon eh willing sila mag work together or collaboration.
Napaangat ako nang tingin ng may isang waiter na nag-alok saamin ng wine. Nakita kong kumuha si Dillan at ngumiti doon sa waiter pagkatapos ay bumaling naman yung waiter saakin.
Kailangan professional ako! For the first time makakatikim ako ng ganito! Medyo umangat ng konti ang katawan ko dahil medyo na excite ako. Napalingon saglit saakin si Dillan dahil doon. Tumikhim ako at umayos ng upo. At pilantik ang daliri kong kumuha ng Champagne glass kunwaring sosyal ang pagkuha.
"We still don't have a project together but since we're looking forward to it. Let's have a toast!" Diklara ni Director Kalen at itinaas ang glass nya.
"Cheers!"
At sabay-sabay nilang inangat ang Glass nila upang paguntigin. Nalito pa ako nung una pero nakisali narin ako sa Cheers nila kahit wala naman akong alam. Pero imbis na idikit sa baso nila ay pasimple ko lang na inuntog ang glass ko sa glass ni Dillan.

BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...