CHAPTER 12

307 7 8
                                        

CHAPTER 12

"Target market? Luh nakalimutan ko!" Iritadong sabi ko sa sarili ko saba'y kamot ng ulo. Napatingin pa ako sa kuko ko dahil may sumamang kuto don. Kinuha ko 'yon at tiniris dito sa bench. Wala namang makakakita.


Bandang alas dos na nang hapon nang magpunta ako dito sa bench para dito gawin ang essay ko. Dahil sa dami ng inatupag nitong nakaraan, tambak na ako ng mga gawain. Bumaba ang tingin ko sa shoulder bag ko at hinanap ang notebook doon. Hahanap sana ako ng idea kaso, wala rin pala akong notes! Absent kase ko.


Kinuha ko sa bag ko ang Cellphone ko, para bumisita sa Account ni Dillan saglit. Napangiti ako nang maalala ko nanaman sya. Naalala ko nanaman yung sinabi nyang stunning daw ako, totoo kaya yon? Kinagat ko ang labi ko.


"May bagong fi-nollow..." Nakasimangot na bulong ko nang makitang nadagdagan ng following ni Dillan. 50+ lang kase ang naka follow sakanya, karamihan pa don, kapwa nya rin modelo, agency, company, brand etc. Something related sa work siguro.


Sa araw araw at maya't maya kong pag stalk ko ka'y Dillan ay halos kabisado ko na kung sino sino yung mga nakafollow sakanya, mga highlights nya, post, kahit gaano pa sya kadalas mag post. Nag scroll lang ako sa 'Following' nya para makita kung ano o sino yung nakafollow kay Dillan na 'yon. At nadako ang mata ko sa tatlong bagong nakafollow, yung isa, brand ng damit at yung isa... Si Gina nanaman!? At... @Dailytimeoflily... Lily Min ang pangalan. Parang pamilyar to?


Inistalk ko yung Lily at nakita kong may 1.3 Million followers sya. Yung mga picture nya kasama ang iba't ibang celebrity, model, mga sikat na babae. Pero madalas sa timeline nya puro mga makeups, mga concealer, lipstick, palette at ilang videos kung saan pinapakita nya yung mga gawa nya.


Ang mga highlights nya ay puro new trend make-ups din, artista, brand, mga lugar din kung san-san sya nagpupunta. Halatang mga puro luxury na lugar ang pinupuntahan. Pero ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang picture nya sa beach. May hawak syang balanggot habang nakatingin sa itaas, ang ganda ng katawan nya, ang kinis nya at ang... laki ng puwet ah?


"Ano yan?"


"Ay, muka kang pwet!"


Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may manggulat saakin at di ko na naitikom ang bibig ko nang makita ko si Wren na salubong ang kilay. Anong ginagawa nya dito?


"Panget magulat amputa." Reklamo nya.


"Wren?" Gulat na tanong ko.


Humarap sya saakin pagkatapos ay ngumisi.


"The one and only," Sabi nya, saba'y kindat. Medyo napaatras pa ako sa ginawa nya.


"Anong ginagawa mo dito? Ako ang nakaupo dito."


Tinawanan nya ako. "Wow... Nakakahiya naman."


Natahimik ako saglit. Nakakahiya naman sakanya. "P-Pero bakit ka nga nandito?" Naiilang kong tanong.


Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon