CHAPTER 30

201 4 16
                                    

Chapter 30

"Ma'am Villamar," Pinaglalaruan ko ngayon ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba.

Mula kaninang umaga pa ako nakakatanggap ng hindi magandang balita dahil dalawang prof ko na sa magkaibang subject ang nagsabing bagsak daw ako.

Nakiusap pa ako kanina na gagawin ko ang lahat huwag lang nila akong ibagsak pero sinabi rin nila na wala silang magawa dahil sobrang naging pabaya ako sa pag-aaral.

At kanina sinabi saakin ng isa kong kaklase na nag announce daw si Ma'am Villamar ng mga bagsak kahapon pero ako lang ang binanggit nya.

Susubukan ko sana ngayong makiusap ka'y Ma'am Villamar na bigyan pa ako ng pagkakataon kase alam ko namang sa subject nya hindi ako naging pabaya, pinagbutihan ko dahil ayokong mapahiya ako sakanya.

Pero bakit sa section namin ako lang ang binagsak nya? Lahat ng mga kaklase ko nakakuha ng mga matataas na grado eh naging pabaya rin naman sila? Bakit ako lang ang bagsak saamin?

"Oh?" Tinaasan nya ako ng kilay pagkalingon saakin.

"M-Ma'am, may nakapagsabi po saakin na bagsak daw po ako sainyo..."

"Yes, totoo 'yon." Walang pag-aalinlangan nyang sinabi at tinalikuran ako.

Sinundan ko sya at nagsalita habang nag-lalakad kami pareho. "Ma'am, pwede ko pa bang itanong kung bakit po? Hindi naman po ako naging pabaya sa subject nyo ma'am, matataas rin naman po ang gradong nakukuha ko sa mga test..."

"So, anong pinapahiwatig mo? Na dinaya ko yung grades mo?" Mataray na sinabi nya habang patuloy parin kaming naglalakad.

"H-Hindi naman po ma'am," Yumuko ako.

"I'm not satisfied with your performance in class, you're such a big failure, disappointment... that's the reason."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Huminto sya at hinarap ako. "Besides, sa pagkakaalam ko hindi lang naman ako ang bagsak mong subject diba? Ba't nagtataka kapa?"

"Alam ko po at wala naman po akong reklamo sa ibang subject ko na bagsak kase alam ko pong naging pabaya po talaga ako sa mga 'yon, pero ma'am sa subject nyo po hindi naman po ako naging pabaya, sainyo ko nga po pinaka pinagbutihan eh..."

Tinaasan nya ko ng kilay. "Oh? Shall I be flatter about that? Some people worked so hard for their dreams but still unable to achieve it, so hindi porket magmamagaling kang kunwari hindi ka naging pabaya eh hindi kana babagsak."

"Ma'am hindi naman po nagmamagaling, panatag lang po kase talaga ako na—"

"Bakit ka kase naging panatag lang—"

"Kase alam ko pong pinagbutihan ko. Matataas po ang nakukuha kong score ma'am, sa ibang subject madalas akong wala pero sa subject nyo hindi, kase gusto kong ma appreciate nyo ako kase nung una palang ramdam kong parang ayaw nyo po saakin."

"Ba't ba mas marunong kapa saaking bata ka? Ikaw ba ang gumagawa ng grades?!"

Nakaramdam ko ng sandaling takot nang mapansin ko ang galit sa mga mata ni Ma'am Villamar na tila may nasabi akong mali.

"Ma'am nakikiusap po ako, kayo nalang po ang pag-asa ko... Hindi po ako pwedeng bumagsak dahil maalis po ako sa school pag nagkataon, ayoko pong ma kick out sa school ma'am malulungkot po ang magulang ko, at wala po akong kakayahang magbayad ng tuition fee sa ibang school pag lumipat po ako,"

Nagdilim ang muka nya at hinarap ako nang mariin. "Edi sana naisip mo yan bago ka naging pabaya diba?"

Napakagat ako ng labi.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon