CHAPTER 44

213 4 30
                                    

CHAPTER 44

The air wasn't particularly fresh and healthy, but the chill feeling gave me an overall sense of tranquility, the dark surroundings seemed to contaminate everything because even though there were some lights from the buildings, restaurants, and hotels, the ambiance felt purely dark and blue.

I sighed.

Life is really playful, and confusing. The old me was usually by myself, and I wished for at least some attention and someone who will listen because I felt so lonely. But now that I'm so well-known, everyone is around me, but... I wish I could be by myself.

Because the more people you trusted, the greater the chance that you will be betrayed.

Sa totoo lang hindi ko na alam pa kung nasaan ako ngayon, tiredness has made my feet almost numb, kanina pa kase ako naglalakad, hindi naman ako nagpasundo kase ka'y Jade, gusto ko lang talaga mapag-isa.

Napahinto ako saglit sa paglalakad ko nang biglang masira ang aking takong. Lumingon ako doon at malutong na napamura dahil ngayon ko lang narealize na hindi ko na alam kung nasaan ako dahil sa layo ng nilakad ko.

"Tsk, argh! Ano ba 'yan! Broken na nga nasiraan pa ng sapatos!" Pinilit kong alisin ang sapatos ko sa paa ko pero hindi ko maalis agad dahil mahigpit 'yon.

Muli akong napamura. "Ikaw ha?! Ikaw sapatos gusto mo rin akong saktan noh?! Yung paa ko?! Ang kulit kulit mo!" Parang tangang sigaw ko at sumalampak sa sahig kung nasaan man ako ngayon at pwersahang tinanggal ang sapatos.

"Akala mo papayag akong masaktan mo ko ah? Hindi! Hindi!" Inis kong sigaw habang pwersahang hinuhubad ang sapatos na 'yon.

Pagkahubad ko ng sapatos ay tumayo ako para ihampas 'yon sa lupa, lumingon-lingon ako sa paligid at may napansin akong isang piraso ng pamalo sa hindi kalayuan, mabilis kong dinampot 'yon at muling hinarap yung sapatos na hinubad ko.

"Oh ano, sapatos ha?! Nakikita mo 'to?! May weapon ako ngayon kaya wag kang umasa na masasaktan mo ako dahil hindi! May pamlaban na ako sa mga gustong manakit saakin kahit ikaw pang sapatos ka!"

Lumapit ako at hinampas hampas ng kahoy yung sapatos. "Akala mo gagamitin pa kita?! Para ano? Para ilaglag ako? Para tuluyang sumakit ang paa ko? Balak mo pa akong utuin ha?! Hoy! Para sabihin ko sayo, never na kitang gagamitin dahil magpapaa ako! Tandaan mo yan!"

"Ayos ka lang ba ineng?"

Nagulat ako nang may isang matandang mamalimos na hinawakan ang balikat ko.

Pagkalingon ko sa paligid ay pinagtitinginan na pala ako ng ilang dumadaan dito, hindi ganon ganon katao pero may iilan at lahat sila ay pare-pareho ng tingin.

"Ganyan na ganyan din umakto yung pamanggkin kong nasiraan ng bait eh, plato nga inaway at sinabing 'yon daw ang umubos ng pagkain nya." Sabi naman ang isang ale na umiling-iling.

Teka ano?! Iniisip ba nilang nababaliw ako?!

"Teka, hindi ba't sya yung sikat na actress?" Nanliit ng isang manong na tingin ko ay asawa nung ale na nagsabing baliw raw ako.

Edi wow, edi baliw. Oo! Malapit na dahil sa mga nangyayare saakin!

Mabilis akong umiling. "H-Hindi po, hindi po ako 'yon..."

Nanliit ang mata nya. "Hindi eh, kamukhang kumukha nyo ho eh..."

Kunwari akong tumawa. "Hehehe sa totoo nga po nyan, marami pong nagsasabi na kamuka ko daw po si... M-Miss Vanessa De Vera, eh kinikilig nga po ako pag sinasabi nila 'yon! Eh kase super ganda po ni Miss Vanessa eh, ibig sabihin non... Maganda din ako."

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon