CHAPTER 16
Naalimpungatan ako ng maramdaman ang liwanag ng paligid. Nakapikit akong naghikab at nag-inat bago dahan-dahan inangat ang katawan ko. Napangiti ako.
Grabe sarap ng tulog ko.
Unti-unti akong dumilat. Anong oras nga ulit ako natulog? Teka... Hindi ako umuwi... Diba?
Mabilis akong napadilat! Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtantong nakatulog ako... Sa tabi ni Dillan!?
Tumingin ako sa paligid. Wala na si Dillan sa tabi ko. Kinagat ang mga daliri ko sa sobrang taranta. Mabilis akong bumaling sa shoulder bag ko para tignan ang oras.
7:59 AM!!!
Parang gusto ko nalang mahimatay.
Nagmamadali akong bumaba sa kama at umalis sa kwarto nya. Pagkalabas ko, ay nasalubong ko ang matatalim na tingin ni Ate angel na nakaupo sa living room.
Napahinto ako.
"H-Hi, ate angel hehe." Bati ko sakanya.
Luminga-linga ako sa paligid.
Pinanliitan nya ako ng mata at tumayo sa pagkakaupo. "Ba't nanggaling ka sa kwarto ni Dillan?"
Napaatras ako. "A-Ahm." Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sakanya!
"Anong ginawa mo don?"
"N-Natulog."
"Natulog!?" Umawang ang labi nya at bumalik sa pagkakaupo nya. Napabusangot ako ng ilagay nya ang dalawang palad nya sa muka nya.
"Di ka talaga marunong mahiya. Jusko."
"Ate kase, lasing sya kagabi tapos... Hinatid ko sya sa kwarto nya. Tapo--"
"Wag mong sabihing pinagsamantalahan mo sya!?"
"H-Hindi ah! Pero... Hehe medyo pala."
"Medyo?" Kumunot ang noo nya.
"Medyo oo, medyo hindi."
"Ano!?"
Ngumuso ako. Napatingala ako at sandaling inalala ang mga nangyare kagabi. Parang paniginip lang ang lahat. Hindi parin ako makapaniwala na... Niyakap nya ako. At yung yakap nyang iyon... Ang hirap kalimutan, pakiramdam ko nakaranas ako ng sandaling pahinga sa mga bisig nya.
Napahawak ang ako dibdib ko at bumaling kay Ate angel. "Ate... Nasaan po si Dillan?"
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...
