CHAPTER 15

257 6 17
                                    

CHAPTER 15

"Dave, I won't be signing any contract this month... Yah... I have a business to deal with here... Don't worry I'll be rock on again next month... Please... Get in touch with my agent and publicist, all of you give me a break. Soon I'll be moving to my house in QC. Thanks, Dave."


Nakapangalumbaba ako habang tinititigan ang seryosong muka ni Dillan. Nakaupo ngayon sya sa work desk nya at may chinicheck na mga papel kanina ng may biglang tumawag sakanya. Katulad kahapon ay maaga rin akong nagpahatid kay Ate angel.


Free si Ate angel kase hangga't di daw natatapos tong contract kay Dillan, di sya pipirma muna sa iba.


Ibinaba ni Dillan ang tawag at humarap saakin.


"If you want coffee you can make one there." Saba'y turo doon. Sinundan ko yon ng tingin at napangiwi ako nang makita ang isang Nespresso machine, mukang mahirap gamitin 'yon. Baka mapahiya nanaman ako.


"H-Hindi naman." Sagot ko.


Tumitig sya saakin saglit, pagkatapos ay bumaba ang tingin nya sa suot ko. Medyo nailang pa ako ng kaunti doon dahil suot ko ang hoodie nya. Nagtataka parin ako kung bakit nya ibinigay saakin ang mamahaling hoodie na ito?


Hindi kaya nandidiri na sya dito dahil sinuot ko kaya ipinamigay nya nalang? Napanguso ako.


"Suit yourself." Sabi nya at tumalikod uli.


Pagkatalikod ko ay mabilis kong kinuha ang Cellphone ko at palihim sya kinuhanan ng litrato. Sa inaraw-araw na pumunta ako dito ay wala akong ginawa kundi kuhanan sya ng picture habang nakatalikod.


Ipit akong napapa bungisngis habang kinukuhanan ko sya, pang ilang libong picture na nya ito.


"Vanessa." Tawag nya kaya mabilis kong tinago ang Cellphone ko sa gulat.


"P-po?" Kinakabahang tanong ko. Baka napansin nya ako!


"Turn off your flash, it distracts me."


Halos mabitawan ko yung Cellphone sa gulat. Teka anong flash? N-Nakaflash ba ako!?


"H-Ha? E-Ehh Hindi n-naman--" Utal ko.


"You may keep going... just turn your flash off." Ngumisi sya.


Umawang ang labi ko at napapikit sa hiya. Hindi ko sya sinunod at tumalikod lang ako. Napakagat ako ng labi pagkatalikod ko. Bwiset na flash!


Sinilip ako ang Cellphone ko at chineck kung bukas ba yung flash ko, at napasapo ako ng noo nang makitang nakaflash nga. Napakabobo ko naman, ba't di ko napansin!?


"It doesn't surprised me at all. I'm used to it don't worry." Narinig ko mula sa likod napakasexy nyang tawa.


Muli akong napapikit dahil don. Bakit pati pagtawa kase nya maganda? Maganda ang muka, ang katawan, ang tawa lahat lahat!

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon