CHAPTER 20

253 4 9
                                        

CHAPTER 20

"Oh, so you have stupid classmates."


Saba'y kaming natawa ni Dillan nang banggitin nya 'yon. Kanina kase na-kwento ko sakanya yung mga sinabi ng kaklase ko sakanya, tungkol doon sa Mr. Pulubi right at pulubi couple. Hindi naman sya nagalit, bagkus ay pinagtawanan lang namin pareho.


"Anyway, why don't you just transfer to another school, instead of dealing with those douchebags?"


Huminga ako malalim. "Wag na... Scholar kase ako doon eh. Tyaka libre talaga lahat, tapos maganda rin ang pagtuturo doon." Pwera lang sa teacher kong si Ma'am Villamar.


"Hmm.."


Lumingon ako ka'y Dillan, medyo napansin kong malalim ang iniisip nya.


"Bebe... What do you think about studying in the US? I knew a variety of prestigious schools there, you can enroll but then, you have to study hard."


Halos manlamig ako sa sinabi nya. "E-Eheh Dillan... School nga lang dito hindi ko kayang bayaran, paano pa sa ibang bansa?"


"I'll take care of it."


Nagulat ako sa sinabi nya. "Uutang ako sayo?"


"Yup."


"W-Wala akong pambayad."


"Kisses as return would be great." Nakakalokong ngisi ang iginawat nya saakin.


Nangingiti akong pinalo sya ng mahina sa balikat bago umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kase nag-iinit na ang muka ko. "S-Si Dillan naman..."


"What? Haha." Natatawang tanong nya saakin.


"Uhm... W-Wag na, baka ma-nosebleed lang ako sa mga americano na 'yon. Isa pa, ayoko rin kaseng iwan sila Mama. Kailangan nila ako sa bahay."


"So your current situation is okay with you?"


Tumango ako.


"Are you sure?"


Ngumiti ako. "Opo, hehe."


Ngumiti sya saglit saakin. "You're strong and a good daughter." Tumitig sya saakin.


"T-Thank you." Medyo nahihiyang sagot ko. Mabuting anak nga ba talaga ako? Eh kinukuha ko nga yung pambili ng bigas para pambili ng skincare eh.


Naging tahimik na kami ng ilang minuto pagkatapos non.


Ngunit, makalipas lang ang ilang sandali ay may naisip akong kalokohan. Hindi naman kalokohan pero, gusto ko kaseng malaman.


Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon