CHAPTER 37

201 3 29
                                    

CHAPTER 37

"Don't worry Carter, I'm almost finished," I said on the phone while my other hand was occupied choosing various clothes.

Nasa tabi ko ngayon si Roni at Jade na taga-buhat ng mga binili ko at katulong ko narin sa pagpili. Kanina pa ng sila nagrereklamo at baka mainip naman daw si Carter sa studio kung saan kami magpa-practice, pero nabanggit naman nyang wala pa yung magtuturo kaya chill pa ako, masyado lang talaga excited 'tong si Carter.

"Where are you? Sunduin na kita,"

"Wag na, malapit lang naman 'to..." Nangingiti kong sinabi habang nakatulala sa isang magandang blazer.

"Wag na masyado mag-worry dyan Fafi Carter, nasa tabi naman nya kami eh," Malanding sinabi ni Roni at lumapit pa talaga sya sa phone ko.

"Shh roni ano ba..." Saway ko.

Narinig ko ang tawa ni Carter sa kabilang linya.

Alam ko namang sana'y na sana'y na syang tawaging 'Fafi Carter' nitong dalawang kasama ko, ganon kase lagi ang sinasabi sakanya.

Binitawan ko saglit ang hawak kong blazer upang i-loud speaker ang phone ko.

"Take care of her guys, alright? Tigas ng ulo nyang madam nyo eh, kung saan saan pumupunta baka mamaya pagkaguluhan pa sya dyan."

Bumingisngis yung dalawang kasama ko.

"Carter naman, alam ko ang ginagawa ko noh, tyaka nasa pribadong boutique naman ako ngayon..."

"Kung gusto mo naman kase ng damit bakit di mo nalang sabihin saakin? Just let me know what kinds and brands you want me to get. Para hindi kana mapagod bumili dyan."

"Hindi na... Kahit sabihin ko sayo mahirap parin ma-sure na mabibili mo talaga ang gusto ko."

"Nakakainis kase, naaagaw nyan yung atensyon mo na para saakin."

"Anong atensyon? Maaga pa kaya, ba't kase andyan kana?"

"Ilalabas sana muna kita kaso pumunta ka naman dyan, puntahan na kase kita dyan!"

"Carter!" Saway ko sakanya.

Narinig ko ang magkahalong gulat at tawa ni Jade at Roni. Tiyak na hindi nanaman ako tatantanan nitong dalawang 'to.

"Fafi Carterrrr... Baka naman pwede din kami maka-libre ni Roni dito? Ang gaganda kase ng damit pero ang mahal eh." Malambing na sinabi ni Jade ka'y Carter na ikinalaki ng mata ko.

"Oo nga, alam mo Fafi Carter? Pag masaya kami masaya na rin daw si Vanessa, ganon kami kamahal nitong amo namin." Saba't naman ni Roni.

"Hoy! Pinagsasasabi nya dyan?" Saway ko sakanila. "Ayan nanaman kayo ah?"

"Sure, choose whatever you wan—"

"No!" Pigil ko ka'y Carter. "Carter kase lagi mong pinagbibigyan itong dalawang 'to kaya namimihasa eh!"

Ganyan ang ugali nitong dalawang ito, may time nga nagulat nalang ako na nagpabili pala ng cellphone ka'y Carter para daw sumaya ako kase wala daw akong perang pambili sakanila.

Tapos noong time na na-flat-an ng gulong yung Van namin, sinabi ko na ngang napakadali lang ayusin non pero nagulat nalang ako nung may dumadating na bagong van, na pinabili pala nitong dalawang 'to ka'y Carter! At ang palusot nila eh umiiyak daw ako that time.

Minsan nga ako na ang nahihiya ka'y Carter eh. Flat na gulong lang, iiyakan ko? Diyos ko naman.

"Grabe Vanessa sayang oh! Ililibre na kami eh!" Reklamo ni Jade pero pinanlakihan ko sya ng mata.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon