CHAPTER 24
Warning: Mature ContentTumama ang mainit na hangin sa muka ko na dahilan ng pagkaharang ng ilang hibla ng buhok ko sa mata ko, maharan ko itong hinawi.
Tahimik lang ako dito sa Gas station kung saan ako madalas maghintay ng jeep kapag pumupunta ako sa bahay nila Dillan. Tumingin ako sa cellphone ko at nakita kong 5:78 PM na, hindi naman pala ganon ka-late natapos sila Dillan sa paglalaro.
Napansin kong napapatingin sa'kin ang mga tao, hindi na ako nagtataka doon kase alam kong hindi naman ganoon ka normal dito sa pilipinas kapag nagsuot ka ng ganito kahikli.
Wala akong iniindang hiya sa ngayon kase kinakabahan ako, hindi rin alintana ang mga alikabok at polusyong nalalanghap ko ngayon dahil mas nangingibabaw ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Vanessa?"
Mabilis kong napatingin sa gilid ko at nakita kong si Maybelle 'yon na may kasamang isang lalaki, na hindi ko kilala ngunit batid kong kaedaran lang namin 'yon.
"Uy maybelle, san punta?"
"Ahh..." Tumingin sya sa lalaking kasama nya. "Gagawa kami ng project sa bahay nila."
Lumingon ako sa lalaking kasama nya. "Sino nga pala sya? Ka-group mo sa project?"
"Uh... Best, si Clarence, classmate ko sya, pero hindi ko sya ka-group, pupunta lang ako sa bahay nila kase gusto nya daw akong tulungan sa gagawin kong project." Naiilang na paliwanag ni Maybelle.
Tumitig ako don sa Clarence, chinito at tisoy sya pero hindi sya ganoon katangkad, maamo ang muka nya, hindi makabasag pinggan.
"Hi, ilang beses ka nyang nababanggit sa'kin." Nakangiting bati sa'kin nung clarence.
Saglit lang akong ngumiti sakanya pagkatapos ay puno ng pagiimbistiga ang muka kong tumingin ka'y Maybelle. Ano 'to? May something ba sakanila? Bakit may patulong effect at punta sa bahay effect? Nako, mahaharot.
"Kayong dalawa lang don sa bahay nila?" Ako.
Mabilis na tumango si Maybelle. "Oo, pero- Wag kang ano ah? Magkaibigan lang kami nito. Naging partner kaming dalawa sa isang activity sa room kaya naging close kaming dalawa, nung una nga hindi ko naman 'to gaanong kinakausap eh, pero nung makagroup ko sya, napansin kong mabait naman pala. At masipag pa! Kaya mabilis kaming nagkasundo at naging magkaibigan." Mahabang paliwanag nya.
Bumungisngis si Clarence. "Nakakatawa lang kung minsan kase parang umaatras yung ibang lalaking tumitingin sakanya, pag nakita nilang kasama nya ako..." Huminto sya saglit. "Iniisip siguro nila, taken na si Maybelle sa'kin."
"E, hindi pa ba?" Pang-aasar ko ka'y Clarence.
"Best!" Pigil sa'kin ni Maybelle, habang si Clarence naman ay napakamot ng ulo nya.
"Ano?"
"Ahh... Hehe hindi, kaibigan lang." Si Clarence.
"Bakit kaibigan lang? I-taken mo na 'to, ilang taon naring single eh!" Sagot ko. Pareho kaming natawa ni Clarence pero napahinto rin kami kaagad nang magsalita si Maybelle.
"Wag nga kayo, alam nyo naman parehong si Maverick ang gusto ko eh."
Saba'y na napawi ang ngiti namin ni Clarence.
"Si Maverick nanaman?! Yung malibog na lalaking 'yon na nakikipaghalikan sa CR? Diyos ko eh taken na 'yon ah? Tyaka napaka redflag, ang tanga mo."
Sinimangutan ako ni Maybelle. "Hmp, walang redflag sa pagmamahal." Tinapik nya yung braso ko.
"Teka? Ikaw ba san punta m-" Napahinto sya at nanlaki ang mata nang mapatitig sa suot ko, siguro ngayon nya lang napansin na ganito kahikli yung suot ko.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...