CHAPTER 2

456 74 133
                                    

CHAPTER 2

"Oh? Ano ba kailangan mo saakin at may pasugod sugod kapa?" Sabi ni Ate Angel at bumaling sa katulong upang dalhan daw ako ng miryenda. Andito na ako ngayon sa bahay ng kamag-anak naming si Ate angel. Sya yung anak ni Tita susan na nabanggit nya saakin kahapon. Kahapon pagkauwing-uwi ko galing school ay sumugod na ako dito kaagad para mapuntahan si Ate angel.


Sa totoo lang hindi ko alam kung paano nangyareng nakakasama nya si Dillan dahil sobrang sikat na modelo non. Luminga-lunga ako sa palagid, maganda ang bahay nila at maluwang.


"Ahmmm.." Sabi ko na para bang di ako makapagsalita at di ko alam kung paano mag uumpisa.


"Ano?"


"Eh nakausap ko kase ni mama si Tita Susan kahapon, tapos ano... nabanggit nyang nagtatrabaho pala ikaw kay Dillan? Dillan Jones Ramirez? Naisip ko lang po kase... Ano eh... Beke nemen." Sabi na medyo may konting hiya.


Medyo napaisip pa sya nung una pero maya maya ay tumango tango narin. Nakahawak sya sa baba nya at nakatingin sa itaas.


"Not actually, I'm a freelancer. They're numerous. But yeah I have met him." Sabi nya. Umalis sya saglit sa harapan ko.


"Talaga? Omg!" Sabi ko habang pumapalakpak pa.


"Bakit ba?" Iritadong tanong nya.


"Tatanong ko lang sana kung pwede akong maging assistant mo or taga dala ng gamit mo ganon kase gusto kitang makasama sa trabaho. Kahit para bukas lang please? Diba mami-meet mo si Dillan bukas?" Walang pakundangan kong sinabi.


"Wait, What? Hindi pwede, masyadong maraming staff don tyaka bata kapa. Bat ka naman magtatrabaho para saakin? Besides I don't even hired assistant, that won't be necessary." Inirapan nya ako.


"Eh kase mukang masaya maging assistant ng stylist. Imagine kase may makikita kang mga makukulay na damit. Makukulay na lugar. Tapos makukulay na abs-- Obstacle! Obstacle!" Agad na agap ko. Pambihira naman kaseng dila ito, masyadong pasmado. Umilaw ata ang kademonyohan, gumalaw.


Tumingin ako sakanya at nakita kong salubong ang kilay nya. "Huh? Maniniwala pa ako sa makukulay na damit eh, pero makukulay na Obstacle? Ano yon?" Takang-taka na tanong nya.


Sandali akong nag-isip. Hala ano ang pwedeng maging konekto ng mga stylist sa obstacle? Bakit ba kase napakapangit ko gumawa ng palusot!


Nagkamot ako ng ulo. "Obstacle Ate." Kunwari akong tumawa. "Di mo ba alam yon?" Sagot ko nalang. Binaligtad ko yung sitwasyon. Wala akong maisagot eh.


"Whatever that stupid idea of yours." Nalipat ang tingin nya mula saakin patungo sa isang kasambahay do'n. "Hey yaya? Can you get up my fashion magazine upstairs? At the paper bags. I'm getting stress with this stubborn kid."


Mabilis naman na tumango yung yaya nang utusan sya nito. Luminga-linga ako sa paligid, ngayon ko lang kase na appreciate ang ganda at lawak ng bahay ni Ate angel. Narito kami ngayon sa living room, naka upo ako sa couch at sa harap ko may miryendang inihanda yung kasambahay din nya.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon