CHAPTER 26

249 3 20
                                    

CHAPTER 26

"Negative ka... Negative... Negative..." Sunod sunod na bulong ko habang puno ng kabang pinag-mamasdan ang isang pregnancy test na sinubukan ko kanina.

"Ayun!" Napahinga ako nang maluwag nang makitang isang guhit lang 'yon.

"Buti naman jusko..." Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik.

Kahapon kase pagkauwi ko, napansin kong hindi ko pa pala na-akas yung mga sinampay namin at hinapon na! Yung mga panty ko na expose na don!

Sabi ko kase nila Lola at Mama noon, na dapat daw bago mag-hapon eh naakas na daw yung mga panty namin dahil pag hapon na at di pa naakas pwede pagkainteresan ng mga kapre, maligno o kahit mga engkanto yon na dahilan para mabuntis.

Eh, pansin ko rin kase hanggang ngayon wala parin akong dalaw, impossible namang kay Dillan to kase hindi naman kami nag-ano talaga.

Kaya natatakot ako na baka nabuntis nga talaga ako ng engkanto! Ayokong magka-anak ng engkanto noh! Anong ipapakain ko don? Kaluluwa?

Tumayo ako sa mula sa kama ko at inayos na ang palda ko pati kuwelyo, balik school na rin. Sabado ngayon pero may klase kami, halos wala na kaming bakasyon. Pansin ko nga napadalas pala ang absent ko nitong nakaraan kaya sana hindi makaapekto 'yon sa grades ko.

Dinampot ko ang cellphone ko nang marinig kong may mag-ring.

Tumatawag si Maybelle kaya sinagot ko kaagad.

(Best! Asan ka?!) Halos mabingi ako sa lakas ng boses nya sa kabilang linya.

"Nasa bahay pa, aalis na. Bakit?" Sinasabi ko 'yon habang inaayos ko ang gamit ko, dinampot ko yung pregnancy test kit na negative at nilagay nalang rin sa bag ko 'yon, sa school ko nalang itatapon ito kase baka makita nila mama baka masabunutan pa ako kaagad.

Mahilig pa naman magbintang 'yon.

(Aalis na? Sige dalian mo ah! May good news ako sayo!) Halos mabingi pa ako sa tili nya sa kabilang linya kaya medyo napapikit ako.

"Tungkol san ba 'yan?" Medyo na excite ko ring tanong.

(Basta dalian mo! Mapapabago nito buhay mo best!)

Nagliwanang ang muka ko. "Talaga lang ah?"

(Oo nga! Dahilan mo! Nasa mall ako!)

Kumunot ang noo ko. "Bakit nasa mall ka nanaman?!"

(Dito na tayo magkita para dito mo narin ako malibre!)

"Ano?!"

(Basta bilis na! Bye! Dalian mo!) At pinatay na nya ang tawag. Bwiset na babaita 'yon, magpapalibre nalang sa mall pa nais eh hirap na hirap nga rin ako at puro pamasahe papunta sa Casa de Amor ang gastos ko nung nakaraan, naubos na ipon ko.

"Hoy!"

Napalingon ako ka'y Maybelle na nakaupo sa Jollibee dito sa mall, ngumiti ako sakanya at mabilis na naglakad papunta roon. Pansin kong wala pa syang nabibili. Aba at nais pa ata dito magpalibre.

"Eto na! Jusko ka madaling madali? Dalian mo ah? At 8 pa klase ko." Sinabi ko sakanya habang nilalagay ang gamit ko sa upuan.

"Bale ganito kase... May kakilala kase ako na nagtatrabaho pala sa isang content creation company..." Excited na chismis nya kaagad sa'kin pagka-upo ko palang.

"Oh? Tapos?" Usisa ko.

"Tapos ano shunchachuhihinhuah..."

Nakakunot ang noo kong humarap sakanya. "Huh?! Anong chuchachachu?"

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon