CHAPTER 28
"D-Dillan..." Pabulong kong sinabi at mabilis syang niyakap nang mahigpit.
Napatulala ako.
Kumalas sya sa pagkakayakap saakin at hinarap ako. Hinawi nya ang ilang buhok kong lumatabon sa muka ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Itinagilid ko nang bahagya ang muka ko para mas damhin ang pagkakahawak nya sa pisngi ko. Grabe, ilang sandali ko lang syang nawala sa tabi ko pero parang taon ang pagdadalamhati at pagkasabik ko sakanya.
Ngunit nang muling magsalubong ang mga mata naming ay tila bumalik saakin lahat ng mga nangyare kanina. Kaya mabilis na napawi ang ngiti ko.
Tumalikod ako sakanya at naglakad papalapit sa railings ng balcony. Napansin kong nagtaka si Dillan pero sa halip na tanungin ay naramdaman ko ang pagsunod nya saakin.
"What's wrong?" Narinig kong tanong nya.
"A-Anong ginagawa mo dito, Dillan?" Wala sa sarili kong tanong habang malungkot na nakatingin sa view mula sa baba.
"I want to see you..."
Mabilis akong napalingon sakanya.
"Talaga?" Pansin kong medyo nagulat sya dahil sa tono ng pananalita ko.
Kumunot ang noo nya. "Yeah?"
Tinitigan nya ang muka ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin para hindi nya mahalata ang pamamaga ng muka ko dahil sa pag-iyak ko kanina.
"Nakita mo naman na ako kanina eh, nung pababa ka ng hagdan." Malamig kong sinabi.
Napansin kong napangiti sya. "Yes, you look so cute earlier... You got my whole attention." Sinubukan nya akong lapitan pero medyo nilayo ko ang sarili. Pansin kong kumunot ang noo nya sa ginawa ko.
Dumaan ang saglit na saya sa puso ko pero mabilis din 'yong nawala nang maalala ko yung nakita ko kanina kung saan... mabilis naagaw ni Lily at ng isang babae yung atensyon nya. Parang wala lang ako, parang hindi ako nakatingin kung umasta sya, kung magpaagaw sya ng atensyon ng iba parang hindi nya ako girlfriend. Parang hindi sya concern sa nararamdaman ko... Parang hindi nya ako mahal...
"Buong atensyon mo? Parang hindi naman. Mabilis ding naagaw nung dalawang babae kanina, tapos nung magkasama tayo, naagaw din ni Lily...Tapos..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong may namuo na pagkairita sa muka ni Dillan.
"Is that the reason why you're acting so off today?" Nagbago ang tono nya.
Hindi ako nakasagot.
"You're the one who asked me to answer the phone even though I insisted, right?" Sarkasam nyang sinabi.
Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang sakit sa dibdib ko. Bakit parang galit sya saakin? Sobra na ba ko?
"D-Dillan..." Bago ko pa matuloy sana ang sasabihin ko ay huminto rin ako nang maramdaman muli ang nagbabadyang luha sa mata ko. Tumalikod ako sakanya at tinakpan ang muka ko, kahit alam kong hindi makakatulong 'yon para hindi nya mahalatang umiiyak ako.
Naglakad si Dillan papunta sa harap ko hinatak ang dalawa kong kamay para ialis 'yon sa pagkakatakip ko sa muka ko. Hindi ako nagpatinag at nilabanan sya pero mas malakas sya kaya naalis nya rin.
Pagkaalis nya non ay tinitigan nya ang muka ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Fuck," Mahinang mura nya nang tuluyang makita ang muka ko.
Inignora ko lang 'yon dahil umiiyak parin ako sa harap nya.
"What happened?" Tanong nya.
Humikbi ako pero hindi nagsalita.

BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...