CHAPTER 4
Nalaglag ang panga ko nang harapin nya ako.
"Dill..." Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa tuwing tinitignan ko ang mga litrato nya sa social media napapabilis nito ang tibok ng puso ko, paano pa kaya ngayong nasa harapan ko na sya?!
Pero paanong nangyareng andito si Dillan? E, diba umalis na sya? Diba dalawang araw lang sya sa pilipinas? Paanong andito sya at andito pa sa harapan ko?! Hindi ba ako nag ha-hallucinating lang? Nasobrahan na ba ako sa kaiiyak sa picture nya kaya parang nakikita ko sya ngayon?!
"D-Dillan! Dillan?" Paulit-ulit na tanong ko. Sinubukan konpang tapik-tapikin ang muka ko para kumpirmahin na gising ako.
Ang dami kong gustong sabihin. Ngunit tuluyan na akong naestatwa nang masilayan ko ang buong muka nya. Ano nga ulit yung sabi nila? Smoking hot? Kung sobrang sexy at hot ang ibig sabihin non. Sya yon! Kase kahit naka jacket sya ngayon, nangingibabaw ang charisma nya!
Mahikling sagot nya at ngumiti saakin.
"Yes.." Tila kuminang ang puting ngipin nya nang lumitaw iyon dahil sa pagngiti nya. Lalo akong napatitig sakanya dahil don. Sya na ba talaga to? Hindi ako makapaniwala. Mas gwapo pala sya sa malapitan.
Nakakapanghina.
Kung legal lang siguro ang paghingi ng kiss imbis na autograph, manghihingi ako ng sampo! O mas marami pa!
"Pwedeng... ano... yu--hindi ko alam sasabihin ko!" Tarantang sabi ko at pinilit na pakalmahin ang sarili ko, nanginginig na talaga ako sa kaba.
Gusto kong sumigaw! Magwala! Magtatalon ngayon! Gusto kong ilabas ang sobrang saya na nararamdaman ko! Pero tila nanigas ang buong katawan ko! Pati ang dila ko umurong!
Sandaling tumaas ang kilay nya at bahagyang tumawa. Bakit pati simpleng pagtawa ang gwapo!
"Oh, a little stammered. That's normal." Bahagya nyang kinagat ang itaas ng labi nya at bahagyang tumango-tango. Lalo akong nawindang ng makita ang bahid ng pagkainip sa muka nya.
Please Vanessa. Umayos ka naman!Kanina lang kinakausap mo lang picture nya diba?! Bakit hindi ka makapagsalita ngayon?! Dapat mas malakas ang loob ko dahil sya na 'to! Totoong sya!
"Gusto k-ko sanang ano... yung a-ano.." Nahihirapang sabi ko, pakiramdam ko nablanko na ako ng sobra.
"Disculpa little one, but I don't have time for more chitchats? Picture? That's probably what you want?" Pormal na mungkahi nya saakin.
Napakurap ako ng dalawang beses. "Oo!" Sigaw ko kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig ko.
"Great! Let's do it quick." Sya at sandaling sinilip ang relo nya.
Dahil doon, nagmadali na akong kumilos at kukunin na sana ang Cellphone sa bag ko ng biglang bumukas na ang elevator. Huminto ako saglit at saba'y kaming naglakad ni Dillan papalabas, ngayon ko lang napansin na nakasuot na uli sa muka nya yung face mask nya. Mukang hindi nya gustong makilala sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...