CHAPTER 40

204 2 34
                                    

CHAPTER 40

"Roni ah, mula ngayon kung saan tayo bumili ng gulay kahapon, doon na kana bibili ng gulay lagi, para saakin at doon ka narin bumili ng para sayo, diba?"

Napahinto si Roni sa paglalagay ng Nail Polish sa kanang kuko ko at nakasimangot akong hinarap. "Teh naman, ayoko na doon, baka mamaya makasalubong ko pa doon yung lason na binato ko ng talong eh."

Si Roni lang ang kasama sa magiging interview ko para sa isang late night talk show, si Jade kase pinatawag daw ni Boss Sandoval sa agency so sabi ko okay lang kung pumunta na sya kaya ko naman ang sarili ko eh.

Short interview lang naman 'yon, guess ako total close ko naman yung nag-invite saakin doon kaya pinagbigyan ko na. Pero nirequest ko na maaga ako kunan kase may gagawin pa ko mamaya.

May practice pa kase kami ni Baby Unicorn. Napangiti ako sa naisip ko.

"Inlove."

Napalingon ako ka'y Roni. "Ha?"

"Abot langit ngiti mo, inlove ka."

Inirapan ko sya. "Hindi ah,"

"Eh, ba't ganyan ka makangiti?"

"Naalala ko lang yung... Minsang nag-joke si Direk Mike... Nakakatawa." Palusot ko.

Napatakip sya ng bibig. "So, kay Direk Mike ka inlove?!"

Natawa sya ng batuhin ko sya ng alpombra sa muka. Si Roni talaga, kung ano ano pumapasok sa isip, buti nalang wala dito si Jade kung hindi, dalawa silang kung ano ano nanaman ang sasabihin. Nakakabaliw.

"Anyway, about doon sa palengke, edi snob mo nalang, basta doon kana bumili ah? Damihan mo ang bili ka'y Ma'am Villamar..."

Nanlaki ang butas ng ilong nya sa frustration pagkatapos ay muling bumaba nag tingin sa mga kuko ko. "Ano ba kasing mayroon doon at doon mo pa gustong bumili? May gwapong tindero ba doon? O baka naman may ex ka don? Ehh, eme ka ah?"

Napanganga ako sa sinabi ni Roni. "Kung ano-anong pumapasok sa utak mo noh? Kanina kapa."

"Sus aminin, kabisado ka yang ngiti mo, may ex ka don,"

"Hindi ngiti 'to, Kilabot 'to..."

Nanlaki ang mata ko. "Ay ganyan din ako! Pag may ex ako at nakikita ko sya ay kinikilabutan din ako! Aysus, ikaw ah?"

"Kulang kaba sa tulog Roni, ha? Batukan kaya kita para magising ka."

"Nabato na nga ako ng alpombra sa muka may batok pa? At oo kulang ako sa tulog, ang dami mo kayang pinagawa saakin kahapon,"

Saglit akong natawa.

"Pero kulang din ako sa fafa, madaaam! Kaya wala akong motivation sa lahat, naghiwalay na kase kami ng last fafi ko eh." Sabi nya at kunwaring pumunas ng luha.

"Kailan pa?"

"Nung isang linggo lang, dalawang araw lang kami magkarelasyon pero isang mag-iisang linggo na akong broken,"

"Dalawang araw lang pala ba't ka broken? Kalimutan mo na 'yon."

"Tuwing umaga kase ipinagluluto ako non ng fried egg, yummy kaya 'yon. Di ko makalimutan. Sobrang mamimiss ko yung itlog nyang 'yon." Nakanguso nyang sinabi.

Napasapo ako ng noo. "Jusko, itlog lang..."

"Hindi lang simpleng itlog 'yon. Itlog yon with love."

Napangiwi ako. "Itlog with love?"

"Oo..."

"Alam mo, samahan ka nalang namin ni Jade uminom mamaya, kinikilabutan na ako sa mga sinasabi mo eh..."

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon