CHAPTER 14
"God, why do I even have to face this surroundings struggle?" Mariing bulong ni Symond habang inaayos ang cap at face mask nya at umirap-irap sa kawalan. Sa tuwing may dumadaan kase sa harap namin, tinititigan nila si Symond. Sino ba naman kase ang hindi mapapatingin sakanya, kahit na facemask kase sya halatang halata na gwapo at halos kumislap pa yung kulay blue nyang mata.
Dinala ako ni Symond sa Rossini, ewan ko ba't dito pa ako dinala, sinabi ko nga sakanya na sa mang inasal nalang o kaya jollibee kase mas komportable ako don, pero ayaw nya kase masyado daw maraming tao.
Wala akong dalang pera kaya hindi rin ako makakakain dito, inalok ako kanina ni Symond na umorder daw ako ng kahit anong gusto ko, sya na daw ang bahala pero ayoko! Sinabi ko sa sarili na hinding-hindi ako magpapalibre sa isang tulad nya! May kasalanan sya saakin kaya wag nya akong idaan-daan sa libre libre nayan! Never.
"Are you okay with the food? Or would you like to order something else? I'll buy it." Tanong nya.
Luminga-linga ako sa paligid. "It's delicious! Hehe it's enough." Nagkibit balikat ako sabay subo sa pasta. May pasta, wings at lasagna dito sa lamesa, eto kase ang pinili ko kase ito lang ang pamilyar saakin na pagkain. Si Symond naman, drinks lang daw. Hindi narin ako tumanggi nung pinilit nya akong mag-order, mukang masasarap kase mga pagkain eh.
Sabi nga nila, mas nakakahiya tumanggi kaysa tumanggap. Kaya tama lang ang ginawa ko.
Mabilis syang humarap saakin. "Alright! Okay... First I know I'm such a big crap last time. I didn't even had a little bit of sense." Bahagya nyang inilapit ang sarili nya saakin dahil medyo pabulong lang ang pagkakasabi nya. "I'm sorry..."
Yumuko ako. May parte saakin na nasasaktan parin dahil sa mga sinabi nya saakin. Sa totoo lang ang dami kong gustong sabihin sakanya pero english kase eh. Sa essay nga hirap na hirap ako sa 500 words eh.
"But you said I am ugly. I am really ugly?" Nakangusong tanong ko at muling tumingin sa ibaba. Nasasaktan parin ako sa totoo lang.
Huminga sya nang malalim at hinarap ako. "You're not, babe. You're not. Dillan was right. You're absolutely stunning, and your style is..." Tumitig sya sa suot ko. "...quite interesting to be honest."
Ang suot ko ngayon ay ang madalas lang na suot ko sa pang araw-araw. T-shirt at jeans at sapatos na luma. Anong interesting dito? Binobola na ako. Ano bang ang kailangan nya saakin? Tyaka bakit nya ako tinawag na babe? Ganyan ba talaga sa ibang bansa?
"But... But did you say I am ugly? You know... It's affecting my self-esteem you know! I feel so down, I feel like the Earth is... Earth is... Bagsak bagsak to me!" Paliwanag ko.
Nakita ko ang pagdaan nang guilt sa mga mata nya.
"My words are fake to bone baby." Bahagya syang ngumuso at huminga ng malalim. "Actually I'm..."
Mariin ang titig ako sakanya habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Kitang-kita ko rin kase sa muka nya ang lungkot na para bang may mabigat syang dinadamdam.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...