CHAPTER 13
Nakakrus ang mga binti ni Dillan na nakaupo sa ergonomic chair. Nakapangalumbaba sya habang nakatingin saamin ng diretsyo. Nanginig ang buong sistema dahil nakangiti sya ng nakakaloko saakin.
Mabilis akong humarap kay Ate angel. "A-Ate, kanina pa ba sya dito? K-Kararating lang diba? Sabihin mo ateng kararating lang!" Hindi mapakaling tanong ko, halos bulong lang 'yon.
"Actually hindi sya umalis. Lumipat lang sya ng pwesto kanina." May panunuya sa boses ni Ate.
Bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko. Wala na akong nagawa kundi pumikit nalang habang paulit-ulit hinihiling na sana'y kainin nalang ako ng lupa ngayon!
"Well, that's probably part of her scheme."
Nalaglag ang panga ko. Nakita kong napatayo ng sa pagkakasandal si Ate angel sa sofa. "What? Stupid scheme I must say--"
"Shh, let's be fooled. It's stupid, but it's good to be stupid sometimes." Bumungisngis si Dillan.
Hindi nya pinansin si Ate angel, sa halip ay tumayo sya sa pagkakaupo don at nilapitan ako. Halos sumabog ang buong sistema ko sa kaba! Sa sobrang taranta ko ay mabilis akong tumalikod at dinampot ang isang cushion sa likod ko pagkatapos ay ibinaon dito ang muka ko, bago pa sya makalapit.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang prisensya nya dito. Naamoy ko narin ang pabango nya kaya lalo akong nanginig.
"Alright, aside from sleeveless, or any clothes that barely cover anything. What else?" Tanong nya. Nakabaon man sa unan ang muka ko, alam kong nakangiti sya habang tinatanong nya 'yon. Narinig nga nya. Lahat.
Napangiwi ako.
Narinig ang halakhak ni Ate angel sa tabi ko.
"C'mon, show us your face." Panunuya uli ni Dillan.
Sa puntong 'yon, parang nasemento na ang katawan ko at hindi ko na ito maigalaw pa.
"It's a bad idea to ask her that way Dillan. Sabi nga nya mas gusto daw kase nyang nakahubad ka, para daw may inspiration sy--"
"ATE!" Hindi ko na pinatapos si Ate angel sa sasabihin nya dahil mabilis ko nang nai-angat ang muka ko sa pagkakasubsob. Habol ang hininga ko at kahit na walang salamin, alam kong pulang-pula na ang muka ko.
Nginisihan lang ako ni Ate angel. "Oh? Napatayo ka noh?" Tumawa sya.
Pinanlakihan ko sya ng mata. "Ate shh!" Bulong ko at inilagay ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko para patahimikin sya.
"Ms. Del Rosario."
Saba'y kaming napahinto ni Ate angel nang marinig ang seryosong boses ni Dillan na kanina lang ay mapaglaro. Hindi parin ako nakaharap sakanya, two-seater sofa ang inuupuan namin kaya ramdam ko parin ang prisensya nya sa likod ko. Parang may kung anong tension sa pagitan namin na inaakit akong humarap sakanya pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung ano ang mas nakakapag-panginig sa sistema ko, ang pagtalikod ng ganito? O ang pagharap sakanya? Kase kahit saang parte ko tignan, basta sya... Nanghihina talaga ako.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
Любовные романыVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...