CHAPTER 5

300 40 18
                                        

CHAPTER 5

"If you feel embarrassed it's not my fault. I Ain't be able to change your clothes anymore! Look! You look like a weird putrid princess! The dress is disgusting on you! And you look disgusting!" Pagbubunganga ni Ate angel dito sa kotse nya habang hinahalungkat ang bag nya.


Hindi ko na sya pinapansin dahil nakatingin lang ako sa labas, kanina kase tumanggi akong i-suot yung magandang gown na pinapasuot nya saakin, mas pinili ko yung mas balot na balot at malaking gown na kulay green. Sabi ni Ate sobrang panget daw nang damit na 'yon pero wala na rin naman syang choice kase baka malate na kami, kaya ayan bunganga ng bunganga.


Sandali kong inayos ang buhok kong nakaloose and messy braids, may isang hairstylist ang gumawa nito kanina.


Sa make up ko naman medyo kinapalan ng konti para daw nag rereflect parin kase nga gabi daw ang party at paniduradong madilim. Sinuotan din ako ni Ate angel ng ilang tiffany accessories tulad ng necklace, earrings at bracelet, sabi nya ingatan ko daw at mahal daw ang mga iyon.


Sinadya nya daw na ipasuot saakin yon para masabing 'You-look-expensive.' Daw


Ayoko talagang nagagalit si Ate Angel sa totoo lang. Mahilig kase mag english. Kinakabahan tuloy ako dahil sigurado akong mga kilalang tao ang dadalo roon, paano kung may kumausap saakin? At hindi ko maintindihin? O baka iba yung accent? Ano ang isasagot ko?


Napahinga ako nang malalim, dapat pala mas pinag-igihan ko pa ang pag practice.


"Dapat assistant kita but look, parang ikaw pa pinagsisilbihan ko, how you may supposed to help me by the way? Psh!" Sabi nya at inirapan ko.


Napasimangot nalang ako at pinagmasdan sandali ang sarili ko. Okay naman ito ah? Balot na balot dalagang filipina!


Tahimik lang ako buong byahe dahil matinding pag-aalinlangan ang bumabalot saakin.


Mapapahiya nanaman kaya ako? O kaya ko bang makipagsabayan? Okay lang sana kung simpleng dinner lang, kaso bakit naman Gala?


Malayo pa kami sa Venue ay natatanaw ko na nag mga flash galing sa camera at ang ingay nang iilang tao sa labas. Napatingin ako sa paligid, napakadaming mamahaling kotse ang nakaparada. May BMW, Mercedes Benz, Corvette Stingray, Audi A8 yun lang yung mga brand na sasakyan na medyo familiar ako, at may mga Limousine. 


Ang kotseng nasasakyan namin ni Ate ay naka mamahalin din, mayroon din kaming Chauffeur kaya feeling ko bigla akong yumaman.


Nawindang ako at napakagat nalang sa gilid ng daliri ko.


Nakakakaba!


"Don't do that, remember you're professional tonight." Mariing sinabi saakin ni Ate angel at muling bumaling sa daan.


Nang huminto ang kotse ay agad na ding bumaba si ate angel. Nakita kong kumaway sya ng mahinhin sa ilang panauhin doon.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon