CHAPTER 34

181 3 21
                                    

CHAPTER 33

"Vanessa... the way you acted before, is what attracts me and dazzled my heart... to love you."

My hands were shaking as I dropped my red wine on the bath tray. Halos isang oras na akong nakakababad sa bathtub ko pero hindi parin ako umaalis dahil hindi ko parin makalimutan yung nangyare kanina saamin ni Dillan.

I still remember how his eyes lingered on me like he was truly captivated and enamored of me, making my heart skip a bit. I feel something familiar while with him or I'm just confused or maybe afraid to believe any of his senseless words again.

Those are not genuine.

"He loves me? What a myth." I lividly said while glaring my eyes at the wall.

Anong Karapatan nyang sabihin na minahal nya ako eh pinag-tabuyan nya ako dati? Halos magmakaawa pa nga ako sakanya na huwag akong iwan noon pero iniwan pa nya ako at pinag-tabuyan papalis ng Casa de Amor.

Nang maalala ko 'yon ay bumalik nanaman saakin ang lahat, pati ang mga pangyayare at mga sinabi nya saakin nung araw na 'yon.

At naiinis ako sa sarili ko dahil kahit 5 years na matapos ang pangyayareng 'yon ay hindi parin nagpapaawat ang mga luha ko sa tuwing naaalala 'yon.

I bit my lower lips while aggressively wiping my tears off my cheek.

Sa sobrang galit na naramdaman ko sa loob ko ay walang habas kong ibinato ang hawak kong champange glass na sanhi ng pagkabasag non, lumikha 'yon ng ingay at kumalat ang lamang red wine sahig.

"Hanggang ngayon sinungaling ka parin Dillan, you broke my heart, wasted me, make me feel like useless trash at ngayon sasabihin mong minahal mo ko?! Anong Karapatan mong sabihin 'yon!" I exclaimed.

I could feel my hands trembling in so much frustration and anger remembering my past... Our past... na binasura nya.

At maging saakin ay basura na rin.

Hinding-hindi mo na ko mauuto Dillan, hinding hindi na.


Nagising ang diwa ko dahil sa tunog ng cellphone ko. Sobrang bigat parin ng katawan ko kaya nakapikit parin ang mga mata kong kinapa 'yon sa lamp table ko, pero kahit anong kapa ko ay wala akong makapa kaya inaantok na tinanggal ko ang sleep mask ko at dinampot 'yon.

Nang makita kong si Jade ang tumatawag ay mabilis akong napabalikwas ng tayo at isinuot ang tsinelas ko.

"J-Jade! Bakit ka napatawag?! Late na ba ako?! May taping ba ngayon? Saan? Photoshoot? Commercial? What?" Taranta kong tanong habang papalapit sa closet ko.

Madalas ko kasing nakakaligtaan na mag set ng alarm tuwing gabi dahil sa sobrang pagod at kapag ganon ay si Jade ang nagiging alarm clock ko.

"Huminahon ka nga! Maaga pa..." Narinig ko ang bahagyang tawa nya sa kabilang linya.

"Anong maaga pa—"

Napahinto ko nang makita 'yung oras sa cellphone ko. 4:02 palang ng umaga, usually kase nagigising ako mga 6:00 o 7:00 depende sa schedule ko.

"Akala ko kase gising ka na eh, sorry."

"Anong akala eh alam mo namang hindi ako nagigisng nang ganitong oras?" Sabi ko at naupo sa kama ko. Kinusot ko ang mata ko at humikab.

"Eh kabisado na kase kita! Na sa tuwing may nagiging gossip o issue sayo madalas 4:00AM palang gising kana! Minsan nga iniistorbo mo pa nga tulog ko kaya inunahan na kita—"

"Teka, teka nga, anong sinasabi mo dyan?"

"Huh?"

"Sabi mo kase kanina inee-expect mong gising ako nang maaga kung may issue o gossip saakin, which is true, pero bakit may issue ba? Ano bang meron?" Naguguluhang tanong ko.

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon