CHAPTER 7
Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang sakit. Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na uminom ako ng alak kaya't naninibago ako, ganito pala kasakit pag may hang over.
Ngayon nagtataka na ako kung bakit may mga tao paring gustong-gusto uminom palagi ng alak.
Nasaan ba ako?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at iginala ang mata ko sa paligid. Nasa isang malaking kwartong kulay puti ako, may dalawang lamp sa magkabilang gilid ko at mga ten step mula sa bedroom andoon ang malaking bintana na kulay white din, pero yung kurtina nito kulay grey, sa harap ko naman may magandang TV. May sarili ding book shelf tyaka may dalawang chair at maliit na mesa.
Medyo namilog ang mata ko ng mapagmasdan ang paligid, pakiramdam ko dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng kwarto.
"Wow, ang daming unan." Sabi ko at kinapa kapa yung mga unan doon, binalot ko din saglit sa katawan ko yung comforter. Sa bahay isa lang ang unan ko at yung kumot ko manipis lang, yung foam naman nung kwarto ko manipis lang at luma na.
"The precious is finally awake." Napalingon ako kay ate angel na kakapasok lang. Tinaasan nya ako ng kilay at pinag-krus ang mga braso nya.
Hindi ko pinansin yung sinabi nya. "Ate nasaan ako?"
"Sa guest room namin. After what you did yesterday I must've let you sleep on the floor eh."
Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! Naalala kong nakarami nga ako ng inom kagabi! Pero ganon ba katindi ang nagawa ko at gusto akong patulugin ni ate sa sahig?
"Anong ginawa ko ate?" Kinakabahang tanong ko.
Mataray nya akong tinignan at base sa itsura ni Ate Angel mukang hindi talaga maganda ang pinaggagagawa ko kagabi. Nginitian ko sya pero lalo lang sumama ang itsura ng muka nya.
"Try to remember it by yourself. You're just drunk. Not an addict pero pwede din dahil muka ka namang adik."
Napangiwi ako sa sinabi ni Ate angel. Ang harsh naman, mukang adik talaga? Ganon ba kagrabe yung ginawa ko at ganito sya kagalit?
Nanlaki ang mata ko at mabilis na napasapo ng noo nang maalala ang nangyare kagabi! Yung sa Switch it up na sayaw tapos yung pagtataray kila Dillan at doon sa kasayaw nya! Nakakahiya sobra.
Timikhim ako at sinalubong ang matatalim na tingin saakin ni Ate angel.
"N-Naalala ko na, yung sinabi ko kay Dillan na obsessed ako sakanya? Hehe." Nahihiyang sabi ko.
Nanatili ang inis sa muka nya. "I hope you also remember na naglupasay ka lang naman don at sinabi mong hinding hindi ka tatayo doon hangga't hindi ka pinapakasalan ni Dillan?"
Nalaglag ang panga ko. "A-Ano?"
"Yes you did, and what is that again? 'Isama mo na ako sa mundo mo Dillan!'"
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomantikVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...