CHAPTER 29

215 4 17
                                        

CHAPTER 29

'Maybelle, magkita tayo please'

Balisa ang kamay kong sinend ang message na 'yon ka'y Maybelle. Mula kanina pa kase ako hindi ayos, nanginginig na ang buong katawan ko pero wala akong makausap, wala akong masabihan ng mga nararamdaman ko.

Si Maybelle nung pinuntahan ko kahapon sa school nila, wala sya. Wala lang kase akong oras magpunta sa bahay nila dahil masyado 'yong malayo, bukod doon ay ang dami dami ko din kaseng problema ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko... Hindi ko na alam ang uunahin ko.

Kahapon nung nag-usap kami ni Lily sa phone, sobrang sakit ang naramdaman ko, hindi ko alam kung bakit kasama nya si Dillan, hindi ko kayang marinig ang sagot pero kailangan kong makipagkita sakanya mamaya.

Mamaya... Mamaya kami magkikita.

Napatulala nanaman ako.

Mamaya...

Napapikit ako nang mariin. Sa tuwing naalala ko na mamaya kami magkikita ni Lily nasasaktan ako. Kase kung mamaya na kami magkikita, at magkasama sila ni Lily, ibig sabihin...

"D-Dillan, please patunayan mong mali ang iniisip ko, please patunayan mo..." Wala sa sarili kong sinabi habang naglalakad papuntang lugawan para kumain, mag-isa.

"Vanessa, how are you?"

Hindi ako sumagot sakanya, sa halip tinitigan ko lang sya. Si Lily.

Andito na kaming dalawa ngayon kung saan kami huling nagkita ni Sir Kalen. Mula nang magkita kami ay wala akong imik sakanya, gusto ko syang ngitian, batiin, pero hindi ko magawa sa tuwing naalala ko yung boses ni Dillan na narinig ko kahapon sa kabilang linya.

"Hey?" Tawag ulit saakin ni Lily na nagpagising sa diwa ko.

"A-Ah, ayos lang, ikaw ba?"

"Ayos lang din," Naguguluhan syang tumingin saakin. "Naiilang kaba sakin Vanessa? Pasensya na ah, biglaan?" Malambing nyang sinabi saakin.

Umiling ako. "Hindi, ayos lang. Wala naman akong ginagawa, tyaka isa pa... Gusto rin talaga kita makita."

"Really?"

Tumango ako.

"Balita ko kase, famous na Make up artist ka daw... K-Kaya isang malaking karangalan saakin na makita ka, at makausap pa!" Pinilit kong siglahan ang boses ko.

"Awh, it's very nice to meet you too," Hinawakan nya ang kamay ko.

Napatitig ako sakanya, kung ano ang style na makikita sakanya sa social media, ganon parin talaga sya manamit sa personal. Sophisticated, elegant at demure kung ituring sya. Isama mo pa ang napakaganda nyang ugali, na hindi ko maitatanggi kase sobrang bait nya talaga saakin, at halata sakanyang walang halong peke ang mga ngiting pinapakita nya saakin.

At isa 'yon ang dahilan kung bakit ako nalulungkot, halos napaka perpekto nyang babae.

"Bakit mo pala... Gustong magkita tayo?" Tanong ko.

"Hmm kase ikaw yung last na naging Stylist ni Dillan so... may I ask what sort of clothing he's into nowadays?"

Kumunot ang noo ko.

"I mean, I know that he likes casual and punk fashion style but I just want to be certain, you know... Kase matagal na huling bilhin ko sya ng gift ang I'm planning to buy him clothe—"

"Teka..." Walang lakas kong pigil sakanya.

Humarap sya saakin.

"Bibilhan mo ng gift si Dillan? Para saan?"

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon