CHAPTER 36

173 3 28
                                    

CHAPTER 36

"Wait, are you joking?" Hinarap ko sya at nagsumeryoso ang muka ko. "Because it's not funny."

I saw glimpse of disappointment through his eyes. "I'm not,"

Mabilis na nawala ang pwersang ngiti ko kanina. "Dillan... Hindi ako nakikipag biruan sayo." May diin ang pagkakasabi ko.

"So do I,"

Natahimik ako.

Humarap sya saakin. "If we date for real, they will support us more, whether in fiction or non-fiction world... We are together."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humakbang palapit sakanya, hanggang sa mag-isang danggal nalang ang layo ng muka namin sa isa't isa.

"Baka nakakalimutan mo Dillan na... ang mga magkarelasyon, nangyayare 'yon kung nagmamahalan ang dalawang tao..." Umangat ang gilid ng aking labi nang hindi ko mapigilan ang bahagyang pag-usbong ng galit sa dibdib ko.

"I know,"

"Alam mo naman pala eh," Tinagilid ko ang ulo ko. "So, alam mo na malabong manyare satin 'yon dahil hindi naman tayo nagmamahalan?"

Nang titigan ko ang mga mata nya, ay bahagya akong nanghina. I saw his eyes flickered with sadness.

"Aren't we?" Makahulugang tanong nya.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit nakalimutan mo? Masyado kabang maraming minamahal kaya nakakalimutan mo na kung sino ang mga totoong mahal mo at hindi?"

Napansin kong natahimik sya.

Mabilis kong lumayo sakanya at dinampot ang bag ko, mula roon ay inilabas ko ang aking yellow bikini at inilapag 'yon sa mismong sofa ni Dillan.

At nang lumingon ako ka'y Dillan ay nakita ko ang pag-awang ng labi nya sa ginawa ko habang nakatingin doon sa bikini na inilapag ko.

"I told you, I'm prepared..." Mataray kong sinabi.

Dinampot ko 'yon. "San ba ang banyo mo? Magbibihis ako."

Umiling sya. "No."

"Anong no? Wala kang banyo?"

"No, I mean... Don't do that."

Pinanliitan ko sya ng mata. "And why? Diba sabi ko sayo, gusto kong maligo sa pool mo..." Mabilis akong hinubat ang aking blazer.

"Ang init kaya..." Patuloy ko pagkahubad ko.

"That's cruel Vanessa, You are prepared, while me... I'm not!" Frustrated nyang sinabi. "I'm not prepared for... That." May pag-aalinlangan nyang patuloy.

"Saan ba?"

"You told me you were coming for something professional only, you didn't say you would also bathe in my pool." Tumitig sya sa bikini na hawak ko. "And you even brought that bikini with you, huh?"

"Bakit maliligo ka rin ba?" Painosente kong sinabi. "Sayo naman 'to ah? Anytime pwede ka kumuha ng susuotin mo sa closet mo, or kung wala, edi bumili ka nalang ng isusuot m—"

"Vanessa, You know that clothes weren't what I'm trying to point out. I don't mind stupid clothes because I always used to walk around my suite naked whenever I'm alone—"

Napahinto sya ng bigla akong mapaubo. Pakiramdam ko nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.

Ano ba naman 'tong si Dillan! Bakit naman kailangan nya pang sabihin 'yon?!

"Vanessa are you okay?"

Dinampot ko ang cushions sa couch at lumapit upang ipalo sa kanya 'yon. "Siraulo ka! Nakahubad kalang pag mag-isa ka?!"

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon