CHAPTER 22

260 4 16
                                    

CHAPTER 22

Bumaba ako ng tingin sa kamay ko nang maramdaman ko ang pagpisil ni Dillan do'n. Nakahawak ang kanang kamay nya sa kamay ko at ang kaliwang kamay nya sa steering wheel habang ang mga mata nya ay direstyong nakatingin sa daan. Andito na kasi kami sa kotse nya dahil pupunta na kami sa bahay nila Wren.

Katulad ng sinabi nya, nagpalit ako ng damit, ngayon simpleng dress, above knee 'to na sleeveless bateau top, kulay blue na floral. Sobrang cute nga eh.

"Hey..." Malambing na tawag saakin ni Dillan.

Lumingon ako sa kanya. Maaliwalas naman ang muka ko.

"Sorry again. I'm not a mani--"

Bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay hinawakan ko na ang muka nya gamit ang isa kong kamay. Nagda-drive kase sya kaya isang kamay lang. "Hindi ka na nga maniac okay? Hindi naman ako galit sayo."

Napangiti sya sa sinabi ko.

Mula kase kaninang makalabas ako at hanggang ngayon, walang ginawa kundi ang mag-sorry at magpaliwanag, na hindi lang alam ginagawa nya, naakit lang daw sya saakin, kasalanan nya daw, sorry daw.

May sinabi pa syang 'When the time told you, you're such a torture for me, that was my last straw... Couldn't help myself anymore that time, lo Siento bebé. Forgive me, guess that sin would run through my veins for the rest of my life.'

Pero tumango nalang ako kase hindi ko naman magets! Ano bang straw? Ano 'to, softdrinks? Tyaka anong sin? Kung makapag-salita naman sya, para namang ni-rape nya ako!

Kanina pa rin sinasabi na ayos lang... Hindi naman ako galit. Alam ko ring may kasalanan din ako kase hindi ko naman sya tinulak. Siguro maski ako'y nadala rin.

"But... I saw it. Your knees almost hit the ground." Nakatingin sya daan at paminsan-minsan lilingon sa'kin. Muli nyang pinisil ang kamay kong hawak nya kanina pa, parang ayaw pa nga nya bitawan.

Nanghina lang talaga ako! Kase virgin nga ako eh tapos hahalikan nya ako ganon? Parang gusto ko na ngang mahimatay kanina eh.

Ewan ko ba, siguro iniisip din nyang sobrang inosente ako, hindi naman porket ganito ako eh harassment na yung ginawa nya. Girlfriend naman nya ako eh!

"May kasalanan tayo pareho..." Ako.

"No, it's only my fault."

"Hindi, kasalanan ko rin kase nakaka-akit ako." Wala sa sarili kong sinabi. Pamaya-maya ay nanlaki nalang ang mata ko nang na-realize ko yung sinabi ko. Hala! Ang kapal ng muka!

Tumingin ako ka'y Dillan at nakita kong nakangising aso sya saakin. "Wow," Puna nya lang. "Well, can't argue with that."

Napatulala ako.

Humarap sya saakin at pinagmasdan ako. "You look cute in your dress. Love it."

Pinagmasdan ko ang sarili ko. "Oo nga eh ang cute. Magkano ba 'to Dillan? D-Dapat mura lang 'to ah? Baka mamaya ang mahal, ayokong gumastos ka ng malaki."

Natahimik sya saglit pagkatapos ay awkward na tumawa. "Uh... Not so expensive... Don't worry."

"Talaga? Magkano? Mukang maganda eh bibilhin ko rin yung kapatid ko." Excited kong kwento.

"Sweet..." Humarap sya sa'kin saglit pagkatapos ay muling bumaling sa daan. "How much money you have?"

"500," Inilabas ko ang wallet ko at proud na pinakita sakanya yung 500 na buo. "Dalawa silang bibilhan ko, magkano ba 'to? 150?"

"Uhh... No."

"Mas mataas don? 200?" Tumingin akong muli sa suot ko. "Dillan, kasya ba yung 500? At sigurado kang mura lang 'to? Mukang mamahalin kase 'to, tignan mo yung design at tela oh, parang mamahalin."

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon