CHAPTER 39

202 3 13
                                    

CHAPTER 39

"Wala pang sinasabi ni Direk kung kailan ang taping pero need na namin mapractice ang script in advance..." Kasalukyan akong kakasakay ng sasakyan ko nang sabihin 'yon kay Maybelle sa kabilang linya.

I just participated in a ribbon-cutting event, and now I'm worn out. The last few months of my life have been the most exhausting. I had a commercial shoot and attended numerous events, including parties, get-togethers, photo shoots, and fashion shows.

"Really?!"

Napatakip ako ng tenga ko nang bigla syang sumigaw. "Aray, ano kaba, ba't ka sumisigaw?"

"I can't believe it, as in talagang magiging leading man mo sya? Hindi ba biro 'yon?" I heard her chewing on the other line and Stanley's voice which I thought was watching TV.

"Maybelle ba't ko naman gagawing biro ang mga ganoong bagay?"

"Eh, bat di pa kayo magpractice ngayon?"

"Ba't ngayon?"

"Wala ka naman ginagawa diba?"

Natahimik ako at tinignan si Jade at Roni na kasalukyang inaasikaso ang mga gamit ko. Tama sya... After this, wala na nga akong gagawin. Pero... Bakit naman ganon kabilis? Edi nagmuka naman akong excited noh, ayoko nga.

"Wala na ba akong gagawin?"

Umiling si Jade.

Napatitig ako sanilang dalawa. "Ba't parang ang tahimik nyo atang dalawa ngayon?"

"Huh?" Si Roni.

Inilayo ko muna saglit ang cellphone sa tainga ko. "Oo, kayong dalawa ang tahimik at masunurin nyo?"

"Sinong masunurin?" Tanong ni Maybelle sa kabilang linya.

"Si Roni at Jade, kababait eh..."

Hindi ako sinagot ni Jade at Roni, sa halip at bumungisngis lang sila pareho. Dahilan naman para lalo akong magtaka.

"Madam naman, syempre behave kami, baka mamaya biglang uminit ang ulo mo at bigla kang mag back-out sa movie eh, ayaw naming magalit ka at dapat good mood kalang lagi, kaya pag may need ka, kahit ano sabihin mo lang kami, no reklamo na." Si Jade.

"Mga shuta kayo, kahit uminit ang ulo ko hindi ako magbaback-out hano, si Direk Kalen kaya 'yon, at isa pa may kontrata kami."

"Naninigurado lang..." Sagot ni Roni.

Bumusangot lang ako at tinignan silang dalawa. Unti-unting napawi ang busangot ko nang may bigla akong may maalala.

"Jade... Roni..." Tawag ko.

Mabilis kong nakuha ang atensyon nilang dalawa.

"May hihilingin sana ako sainyong dalawa..."

Nagkatinginan sila, dahil alam kong napansin nila na kakaiba ang tono ng aking pananalita.

"Ano yon?"

"Kung pwede sana... Pag kasama ko si Carter, wag nyo nalang banggitin si Dillan."

Makahulugan silang ngumiti saakin pareho. Alam kong naiintindihan nila.

"Stanley! Bumaba ka nga dyan!" Narinig kong sigaw ni Maybelle na nasa kabilang linya parin.

"Ang kulit talaga nyan..." Natawa ko habang hinuhubad ang heels ko at pinalitan 'yon ng alpombra para mas maging komportable ang mga paa ko.

Lging nakahanda 'to kase alam ni Roni na pag uwi ko at pagkasakay sa kotse at pinapalitan ko ang suot ko ng alpombra.

"Nga pala..."

Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon