CHAPTER 38
Magkasama kami ngayon ni Carter papuntang studio. Sasakyan nya yung ginamit namin, nasa driver seat sya at sa tabi naman nya ako, si Jade nasa backseat, samantalang si Roni, may inapaabangan pa akong dadating na earrings sa unit ko na susuotin ko mamaya, kaya susunod nalang sya.
"Let me take you dancing, two-step to the bedroom, we don't need no dance floor, let me see your best move..." Kanta ni Carter.
His been practicing his line at the moment he started on driving. Pero ako wala akong imik kanina pa, kanina lang kase nangyare yung saamin ni Dillan kaya hindi ko alam kung makakapagfocus talaga ako mamaya.
At yung nakita ko sa box nya... Bakit hanggang ngayon nasa kanya parin 'yon?
Yung panyo... Na binigay ko sakanya noon, yung pinaghirapan kong pagpuyatan tahiin para lang may mairegalo ako sakanya nung unang araw na magkita kami sa Golf Course.
Malungkot akong napasandal habang inaalala ang araw na 'yon.
"W-Wag na pala." Sabi ko at sunod na sunod na umiling.
"Why?"
Umiling ako uli. "N-Nakakahiya, ang panget."
Nagulat ako nang ilahad nya ang kamay nya. "Let me see?"
"Dillan..." Basa nya sa nakasulat. "You designed it?" Baling nya saakin.
Ngumiti ako at tumango. "P-Pinagpuyatan kagabi, pasensya na kana k-kung ganyan lang kase kulang ako sa oras..." Pinagmasdan ko sya, nakatingin sya lang sya saakin habang nagpapaliwang ako.
Sa isang iglap ay biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. "L-Luma lang ang ginamit kong tela a-at yung sinulid, hiniram ko lang sa lola ko." Yumuko ako. "Naglakas loob parin akong ibigay yan kase... sabi nila k-katumbas ang effort ang gaano kamahal na h-halag--"
"Gracias." Putol nya saakin.
Nagulat ako ng ibinulsa nya yoon. Hindi ako makapaniwala, binulsa nya yung niregalo kong panyo sakanya!
"S-Salamat! Tinanggap mo." Tuwang tuwa kong sabi habang masayang nakatingin sa bulsa nya kung saan nya nilagay ang panyo.
"Effort can surpassed any cost. Indeed." Panimula nya. Wala sa oras akong napatitig sakanya noong mga oras na iyon.
Kung ganon... Talagang pinahalagahan nya nga 'yon? Kahit papaano mayroon parin syang naappreciate saakin? Hindi totoong wala lang ako sakanya?
Umiling ako. Baka naman naawa lang 'yon saakin noon?
Bakit hindi manlang nya naisipang itapon'yon? Marami syang panahon para itapon 'yon, nung araw na iniwan nya ako ay dapat tinapon nya na 'yon kase sya nga yung nagsabi saakin na itapon ko na noon ang hoodie nya eh! Itapon nya lang din 'yon para hindi na 'yon gumulo pa sa isipan ko!
What if he kept it, then? There is no significance in it, therefore I can assure you that he didn't keep it out of love for me. He mentioned that time, he loves on keeping all his presents as a sign of... Being thankful! Yun lang 'yon!
Napayuko ako. Pero bakit? Bakit ako naiiyak? Bakit kakaiba ang... nararamdaman ko?
Kase sa dinami-dami ng fans nya imposible naman 'yon lang ang natanggap nya? Pero bakit 'yon lang ang tinabi nya?
Paulit-ulit kong pinag-aralan ang kabuuan ng panyo kaya't hindi ako maaring magkamali, alam kong ako talaga ang gumawa non.
"Are you okay?"
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...