𝐍𝐀𝐇𝐔𝐋𝐎𝐆 𝐀𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐑𝐎

30 1 0
                                    

🍂

Akin pa ring iniisip
Iniisip kung paano at kung bakit
Bakit nga ba ako nahulog sa isang estranghero
Estrangherong ni hindi ko man lang nasulpayan maging ang kanyang anino
Nagkausap lang kami dahil sa kanyang komento
Komento doon sa ginawa kong isang kwento
Kwentong akala ko'y hindi magugustuhan ng kahit sino
Hanggang sa s'ya ay nagiwan ng isang kataga
Na namamangha raw siya sa aking mga akda
Hanggang sa kami'y nagkaroon na ng pribadong usapan
Kamustahan at maging ng asaran
Hanggang sa kami'y magkalapitan at magkapalagayan ng loob
Ayoko na s'yang kausapin ngunit tila itong mga daliri ko'y walang planong sumunod
Araw, gabi
Bawat munito at sandali
Kami'y magkausap
Sa aking nararamdaman ay hindi na'ko tiyak
May kakaiba ng saya
Sa tuwing ang kanyang ngalan ay nahahagip ng aking mata
Ito na nga ba?
Ang pagibig na sinasabi nila?
Ngunit hindi--
Hindi ito maaari
Hindi ako pwedeng mahulog sa taong hindi ko kilala
Hindi ako pwedeng mahulog sa taong hindi ko pa nakikita
Ayan... Ayan ang mga katagang aking binitawan
Ngunit sa aking napasukan, tila  wala na atang labasan
Nahulog na ako sa isang estranghero
Nahulog na ako sa isang taong, panggalan lang ang alam ko
Nahulog ako sa isang taong nakilala ko lamang dito sa RPW
Nahulog ako sa isang taong wala palang pakialam sa nararamdaman ko.

🍂

𝐍𝐀𝐇𝐔𝐋𝐎𝐆 𝐀𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐑𝐎||✍️𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon