#10 FEELING BH

136 6 0
                                    


Matagal konang binabalak na sayo'y magtapat
Naghihintay lamang ng oras at panahong nararapat
Upang sayo'y sabibin ang aking damdamin
Damdaming kay tagal kona sayong nililihim
Di ko maiwasan na isipin ka sinta
Pigilin ko man ngunit diko magawa
Kaya kung minsan ay nagmumukang sira
Ngingiti mag isa at maya mayay tatawa
Di ko maipagtapat ang aking damdamin
Dahil baka ako ay di mo pansinin
Kagaya ng pag chat ko sayo 
Na palagi mong sini-seen
Panahon na ang lumipas
Ngunit hindi pa ito wakas
Dahil sa ngayon ay akin ng isasambit
Ang sikreto/damdamin na matagal kong inipit
At sa oras na ito ikaw ay tinatanaw
Kay ganda ng lakad, kay ganda ng galaw
Kay ganda ng panahon maging sikat ng araw
Kay ganda ng ngiti mo na sa puso'y tumunaw
Kaya sa paglakad ika'y sinundan 
At ngayon akoy dina mag aalinlangan
Siguro oras na para sayoy magtapat
Ngunit saking nakita akoy nagulat
Nakaupo kayo, Kamay moy hawak nya
Nakasandal sya sayo, Nakayakap ka sa kanya
Kay linaw ng ngiti, ngiti nyong dalawa
Ngiti mong kay saya na palagi kong nakikita
Dahil sa nakita, mundoy tila ba tumigil
Sa aking nasulyapan, luha ay pinipigil
Nakakainis gusto ko ng umalis
Bakit ba ganito? Sakit diko matiis
Diko namamalayan naglalakad nako palayo
Di pansin ang paligid habang luha'y tumutulo
Sapagkat ngayon lang nadama ang ganitong uri ng sakit
Sakit ng puso ko na para bang pinunit. 💔


_M'm3_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon