#8 MEDALYA

228 7 0
                                    

Gigising sa umaga ng alas kwatro y medya
Magluluto ng pagkain, sa pagpasok maghahanda
Mula hunyo hanggang marso, ganito ang gawain
Maging takdang aralin ay kailangang tapusin

Aking magulang na syang nagsumikap
Na akoy pag aralin at edukasyon ay mayakap
Upang matupad ang mga pangarap
At ng akoy magkaroon ng magandang hinaharap

Sakin man silay palaging nagsesermon
Sa umaga, tanghali at maging sa hapon
Na tila nakabibingi,nakaririndi
Ngunit taglay na aral ay napaka tindi

Hawak lagi ang kwaderno't aklat na makapal
Sa aking katabi'y di pwedeng magdaldal
Sa pagpasok sa school di dapat pabagal-bagal
At kapag nagpapaliwanag di dapat uutal-utal

Sa bawat minuto, bawat segundo
Naiisip ang medalya at ang sertipiko
Sertipikong hiling na sanay mapasakin
Bago ang paaralan ay aking lisanin

At ngayoy di mapigilan na ako'y mapaluha
Sapagkat ako na ay tatanggap ng medalya
Medalyang pangarap na aking mahawakan
At ng sa kanila ay maipagmayabang

Sa taas ng entablado ako ngayon ay tatayo
Hawak hawak ang medalya na aking ipinangako
Sa aking ama at ina na di man lang sumuko
Kaya ama/ina para sa inyo itong medalya


_M'm3_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon