33. Ang Kaibigan Kong Matapat

72 1 0
                                    


Kaibigan ko siya
Hindi sya nagsasalita
Wala siyang mata
Maging ng tainga

Ngunit lagi Kong kasama
Kahit walang kamay at paa
Hindi siya nagtatanong
Ngunit damdamin ko'y alam niya

Wala siyang pakiramdam
Ngunit alam niya 'pag ako'y nasasaktan
Hindi siya nakakakita
Ngunit alam niya 'pag ako'y masaya

Siya Ang aking kaibigan
Kahit 'di siya nakaririnig
Ngunit kanyang alam
Kapag ako ay umiibig

Wala siyang buhay at hininga
Wala siyang utak na gumagana
Siya Ang kaibigan Kong tapat
Ang kwaderno ko't panulat

_mM_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon