PULUBI

25 0 0
                                    

"PULUBI"
✍️: meanie

Sanay na akong pagtawanan
Sanay na akong pagkaisahan
Sa tuwina'y paksa ng usapan
Pangalan ko ang dinig mula sa kapaligiran

Sabi nga nila
Basurahan daw ang aking tirahan
Tirang pagkain
Ay akin raw pinagtatyagaan

Sa tuwing ako sa kanila'y mapapalapit
Sa mga ilong nila sila'y todo takip
Nagkakandarapa sa paglayo
Dahil sabi nila ako raw ay mabaho

Basura ako sa iyong paningin
Ngunit bakit ika'y lumalapit pa rin?
Na para lang manukso at pagtawanan ako
Matanong ko lang, bangaw ba kayo?

Bakit ganito na ang mundo?
Bakit hindi pantay ang trato ng mga tao
Bakit masyado na silang malala
Masakit na sila kung magsalita

Oo, mahirap lang kami
Pero hindi kami pulubi
Hindi kami mayaman
Pero malinis ang aming tahanan

Ngunit bakit iba ang nakikita mo?
Mayroon bang kakaiba diyan sa mata mo?
Tingin ko'y mata mo ang marumi
At hindi ako, na tinatawag mong "pulubi"

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon