#9 BAKIT AKO PA?

175 5 0
                                    


Hindi ako makawala 
Sa mundo walang makita
Tila isang agilA
Na nakakulong sa hawla

Nakaririmarim
Mundong madilim
Oh kay lungkot
Nakakatakot

Bakit Sabi nila
Mundo raw ay maganda
Ngunit nasaan 
Bakit hindi ko makita?

Minsan nga ay naisip
Na mundo'y lisanin
Upang problemang bitbit
Ay panandaliang limutin

Bakit ako pa 
Ang di pwedeng makakita?
Ng damo raw na berde at
Rosas na pula

Bakit ako pa?
Bakit ako pa?
Ang tanong ko't sigaw
Ngunit sagot ay wala

Ang hirap ng sitwasyon 
Kung saan ako naroon
Kaya palaging tumatangis
Sa mundo'y naiinis

Alam kong mali
Na ako'y mapoot
Sa mundong sabi ko
Na puno ng lungkot

Dahil lahat naman
Ay malayang tumawa
At kahit bulag man ako
Ay pwede ring sumaya

__M'm3_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon