Tama Na

21 1 0
                                    

Tama na
✍️:meanie

Nagbalik ka na pala
Tila kailan lang ng ika'y nawala
Tila kailan lang nang iwan mo'kong lumuluha
Tila kahapon lang, kay bilis pala talaga

Ngayo'y narito ka
Sa'king harapan, ika'y lumuluha
Nagsusumamo
Matatamis na salita ang sinasambit mo

Mahal, napatawad na kita noon pa
Tinanggap ko na ang nangyari matagal na
Mahal, pakiusap, tama na---
Tama na dahil ako'y pagod na

Atin na itong wakasan
Ang ating sarili'y 'wag na nating pahirapan
Tila wala na rin itong patutunguhan
At baka maulit lang ang nangyari sa nakaraan

Hindi ko na hahayaan ang puso'y muling masaktan
Hindi ko na hahayaan ang puso'y muling masugatan
Hindi na maniniwala sa matatamis mong salita
Sa pangako mong walang katuparan, hindi na'ko maniniwala

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon