"𝐀𝐊𝐎 '𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐍𝐃𝐈𝐓𝐎, 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐒𝐈𝐘𝐀?"

60 0 0
                                    

"𝐀𝐊𝐎 '𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐍𝐃𝐈𝐓𝐎, 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐒𝐈𝐘𝐀?"
||𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒&𝐴𝑟𝑦𝑎||𝑝𝑜𝑒𝑚 𝑐𝑜𝑙𝑙𝑎𝑏

Ikaw at ako ang nakabuod sa ating kwento
Pero bakit nasa kanya ka't wala rito?
Isang kwento na pinangarap kong magkatotoo
Pero 'yong "IKAW AT AKO" ay tila hindi mangyayari, dahil mayroong "KAYO"

Heto nanaman ako naniniwala sa pantansya ko kahit meron ka ng "SIYA"—
Ay ikaw pa rin ang paksa sa 'king mga tula
Hindi ko kayang mawala ka
Mahal, maari bang maging akin ka na?

Ikaw ang kasiyahan ko—
Ang nagpapalundag nitong aking puso
Simula no'ng makilala kita
Ay hindi ka na nawala sa isipan, sinta

Alam mo bang ikaw ang paborito ko?
Paborito kong mahalin kahit nasasaktan na ako
Nagkaroon nga ng "IKAW at AKO"
Ngunit tila hindi naging sapat upang mangyari ang pinapangarap ko

Dahil mayroong SIYA—
SIYA na bagong mong minamahal
SIYA na gusto mong makasama ng kay tagal
SIYA na hinihiling kong sana'y ako pa

Sa kanya ka na nabubuhay
Habang ako'y unti-unting namamatay
Tinanong kita kung bakit s'ya ang 'yong pinili kaysa sa akin
Ngunit ako'y nawasak ng ang katagang "HINDI NA KITA MAHAL" ay iyong banggitin

Kasama kitang bumuo ng mga pangarap ko
Ngunit tila ikaw din ang wawasak ng mga nito
Kasama ka sa mga plano ko
Ngunit iniwan mo akong mag-isa, bigla kang naglaho

Ngayo'y akin ka ng lilimutin
Sa aking isipan, akin ka ng buburahin
Mga larawan natin, akin ng susunugin
Mga nabuong ala-ala, akin ng lilimutin

Ipagpapatuloy ko nalang
Ang laban na ating sinimulan
Kahit ako nalang mag-isa
Kahit ako'y iniwan na

Wala na ang paksa ko
Ang aking kwaderno'y biglang naging blangko
Binasá pa ng mga luhang hanggang ngayo'y pumapatak
Ang puso kong 'yong iniwan, hanggang ngayon ay wasak

Ako 'yong nandito, pero bakit may "SIYA"
Sa iba ka nakatingin kahit ako ang 'yong kasama
Wala na ba talagang pag-asa na tayo'y maging iisa?
O binuo lang kita para sa iba?

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon