Ang daling sabihin ng salitang 'ayoko na'
'Ayoko na at lilimutin na kita'
Pero ba't ganun,iisipin ko palang parang di ko na kaya
Oo mahirap pero mas mahirap maging tangaMatagal ka din pala namalagi sa aking puso
Yung ikaw nalang palagi ang laman ng isip ko
OA man basahin o iyong papakinggan
Pero wala eh, ganito siguro talaga kapag tinamaanYung mga sulyap kong di mo napapansin
Ni hindi mo alam sayo lagi nakatingin
Ang hirap lang kasing pigilin ang damdamin
Yung mukha na akong tanga, pero sige tuloy parinPanahon na siguro upang manahimik sandali
Ang pusong laging napupunit at tila itinapon sa asopre
Oo ang maging 'TAYO' ay hindi mangyayari
Sapagkat iba ang 'yong ngiti kapag sya ang katabiIlang taon na akong baliw sayo at hibang
Na napapangiti sa twing ikay nagdaraan
Ngunit ang bagay nayon ay di mo alam
Di mo pansin, wala kang pakialamMatagal na kitang gusto ngunit di maamin sayo
Kasi nauunahan ng takot na baka talikuran mo
At ngayon ko lang natanto ang tanga ko pala
Kaya ayoko na, lilimutin na kita😑_M'm3_