𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆

28 0 0
                                    

𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆
-meanie

Sa isang dapit hapon ako'y nakatulala
Mga alaala natin, ay aking sinasariwa
Iyong ngiting sa kalungkutan ko'y pumapawi
Sa t'wing aking aalalahanin, ako'y napapangiti

Ngunit tila ang dulo ay 'di na natin maabot pa
Dahil sumuko ka na at sumama na sa iba
Hanggang do'n lang pala 'yong saya
'Yong saya at matatamis mong salita

Ngayo'y tatanawin ka na lamang mula sa malayo
Habang ako'y lumuluha at puso ay nagdurugo
Limutin ko na lamang ang ating pinagsamahan
At tatanggapin itong napakasakit na katotohanan

Dahil wala ng pag asa
Na ang 'TAYO' ay bumalik pa
Sapagkat iniwan mo na akong mag isa
Iniwan mo na akong lumuluha

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon