WAKAS

21 0 0
                                    

WAKAS
✍️meanie

Tila hindi lang isang taon
Na sa'yo ay ibinigay itong aking atensyon
Ngunit tila sa aking puso'y may tinik na nakabaon
Sa sobrang sakit tila hindi ako makabangon

Ang ating relasyon, atin ng wakasan
Ang mga alaala 'wag na nating dugtungan
Ang nadarama sa'yo, akin ng tutuldukan
Sakit na dulot mo akin ng iiwasan

Ayoko na! Pagod na ako!
Pagod na akong lumaban, gusto ko ng sumuko!
Ayoko ng magbulagbulagan
Tatanggapin ko na itong masakit na katotohanan

Katotohanang hindi mo ako minahal
Na sa relasyong ito, ako lang ang s'yang sumugal
Mali pala ako sa pagaakalang kasama kita sa giyera---
Dahil sa'ting dalawa, ako lang ang lumaban mag isa.

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon