#25 ANO NGA BA?

70 4 0
                                    


Nakaupo ako sa silya
Nag iisip kung ano ba talaga
Ngayon lang ako naging ganito
Tila ba ako'y litong lito

May natagpuan kasi akong bago
At tila ako'y nahipnotismo nito
Gusto ko syang lapitan
Ngunit hawak ng aking kamay at di kayang bitawan

Dahil mahigit isang taon na rin
Mula ng ito ay dumating
Laging nandyan para sa'kin
Pinapasaya ako kapag boring

Ngunit gusto ko na syang iwan
Subalit tila di ko pa din kayang palitan
Mahaba na kasi ang panahon
Na aming dalawa'y pinagsamahan

Kaya hihintayin ko na lamang
Na ako ang kanyang sukuan
Hihintayin ko na lamang
Na sya 'yong unang mang iiwan

Gusto ko silang dalawa
Kaya't ako'y nalilito pa
kung alin sa kanilang dalawa ang hahawakan
At kung sino ba ang dapat ng bitawan

Mahirap kasing ipagsabay 'yong dalawa
Gayong pareho silang may halaga
Kayat anong selpon ba ang pipiliin ko?
Iyong bago ba, o 'yong binili kopa no'ng una?

-RHEIGH-

-mula sa kabuangan namin Erika😂😅

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon