𝙿𝚘𝚎𝚖𝙲𝚘𝚕𝚕𝚊𝚋
(𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒/𝑦ℎ𝑒𝑙𝑙𝑖𝑒/𝑚𝑖𝑠𝑒𝑟𝑎𝑏𝑙𝑒𝐷𝑢𝑠𝑡)Kay ganda ng 'yong mata
Ngiti mo'y sadyang kakaiba
Kay gandang pagmasdan, kahali halina
Ngiting hindi ako ang dahilan, kundi s'yaKay ganda ng iyong mata
Kislap niya'y nakakapangamba
Iyong ngiti ay kay tamis
Ngunit bakit may lungkot sa likod ng mga ito?Lungkot na itinatago
Sa likod ng magandang ngiti mo
Matang pilit tinatakpan
Habang ang mga luha ay nag uunahanNag uunahan sa pagpatak
Sapagkat ang puso'y nawasak
Ngayo'y pa'no na? Pa'no na bubuuin?
O mabubuo pa ba, gayong ika'y sumama na sa iba at ako'y iniwan na?Sumama sa iba
At ako'y iniwang nag iisa
Hindi ko maatim
Ngayo'y nananakit itong aking damdaminBakit naninikip itong aking dibdib?
Bakit mata ko ngayon ay namamanhid?
Kay rami kong katanungan, katanungan na 'di ko kayang bigyan ng kasagutan
Ang mga luha kong bumubuhos ay akin na lamang pupunasanTatanggapin na lang
Itong masakit na katotohanan
Ngingiti na lang
Kahit ako na'y nasasaktanSobrang hirap man na ika'y kalimutan
Kaya itong aking nararamdaman ay akin nang wawakasan
Sana Lang kaya ko, sana nga kaya ko
Na ika'y talikuran at kalimutanSarili ay akin nang ihahanda
Sa paglimot sa mga sininop na memorya
Pusong nawasak, ay bubuoing muli
Ngiting nalimot, pag ibig mo ang sanhiNgayo'y iiwan na
Ang alaala nating dal'wa
Mga alaala noong may 'TAYO' pa
Na 'di tulad ngayon na iba na---
Sa iba ka na masayaSa iba ka na bubuo ng masayang alaala
Kayat ako ay babangon na muli
Masakit man ngunit muli nang ngingitiMinahal kita, ngunit ngayo'y pagmamay ari ka na ng iba
Malaya ka na mahal,bibitawan na kita
Baka kasi pinagtagpo lang talaga tayo Pero hindi tayo itinadhanaIhahakbang na palayo mga paa
Lilimutin na memorya nating dalawa
Pipilitin ng hindi na lingunin pa
Mga ala ala nating kay sayaKasabay ng pagpatak ng luha
Ay aking bibigkasin ng buong lakas---
Isang kataga--
Mahal, malaya kana.Malaya ka na
Ngunit sarili ko'y hindi pa
Ikaw pa rin aking sinisinta
Iniibig nitong puso't kaluluwaSa twing naiisip ko
Mga alaala nating dalawa
Pumapatak itong aking mga luha
Mula sa'king mga mataMga luhang nag uunahan---
Puso kong laging nasasaktan
Hindi ko na alam ang gagawin
Lalo na ngayong ika'y hindi na akinMasaya na kayong dalawa
Ngunit heto ako't nag-iisa
Walang kasama at lumuluha
Sa panaginip na lang yata talaga kita makakasamaNag-iisa't umiiyak
Lahat lahat pumapatak
Hindi mawari kung bakit
Bakit puso ko'y ito ang sinapit?Hangad ko lang naman na ika'y makasama
Ngunit bakit mas pinili mong sumama sa iba?
Hinahangad ko lang naman na ika'y aking mapasaya
Ngunit sa iba mo yata natagpuan ang hangad mong ligayaHindi man natin naabot 'yong dulo
Hindi man nangyari ang maging iisa tayo
Masaya akong tayong dalawa ay pinagtagpo---
Dito sa napakalawak na mundoMga alaalang mananatiling alaala
Alaala na binuo nating dal'wa
Ngunit tulad ng larawan tila ito na ay kumupas
Dahil ang pagmamahalan nating dalawa'y agad nang nagwakas.