TALO AKO

37 0 0
                                    

TALO AKO
By: meanieMe

Hindi ako bastos
Ako'y maginoo
Marami ring nagsasabi
Na ako raw ay matipuno.

Sa klase ay laging--
Nangunguna ako
Hindi ako pabibo
Sabi pa nila ako raw ay matalino.

Sa larangan ng sports,
Hindi pa ako natatalo
Sa paglalaro ng basketball
D'yan nakilala ang pangalan ko.

Mayroon akong nagustuhan
Babaeng 'di makabasag pinggan
Isang dilag na kaibig ibig--
Sa kanya'y maraming umaaligid.

Siya'y aking nilapitan
Kami'y nagkamustahan
Iba ang sayang nadama--
Hanggang sa ako ay nahulog na nga.

Ngunit ang inibig kong binibini
Ay mayroon na palang nagmamay ari
Ngunit bakit nya pa ipinaramdam, na ako'y mahal nya?
Teka, ipinadama nya nga ba? O ako lang 'tong umasa?

Sabi nila, "sa laro ng pag ibig, Ang unang mainlove, talo."
Marahil ito nga ay tama, sapagkat ako ngayon ay bigo.
Isang patak ng luha ang bumagsak mula sa mga mata ko--
Sa lahat ng laro, sa pag ibig lang ako natalo.

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon